Chapter 13 "Ano kamo?! Ito yung doktor na tinutukoy sa balita?" Exagerated na pagkakatanong ng kanyang tiyuhin nang sabihin nila rito ang tungkol sa nangyari kay pogi Kasalukuyan silang nasa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin. Kararating lamang nila doon at ipinaliwanag agad ng kanyang pinsan ang tungkol sa nangyari kay pogi sa tiyuhin niya "Oo tay! Sigurado na ako tay. Tignan mo to oh" Ipinakita ng kanyang pinsan ang screen ng cellphone nito sa kanyang tiyuhin. Kaya pala kanina pa busy ang kuya rodolfo niya sa cellphone nito dahil hinanap agad nito sa social media ang balita tungkol sa nalunod na doktor. Ngayon palang kasi nagkaroon ng internet connection ang cellphone ng kanyang pinsan ng makarating sila sa bahay ng mga ito Nagsuot muna ng malaking salamin ang tiyuhin niya bago tigna