Chapter 4

1856 Words
Chapter 4 "Tulungan na kita" Nilingon saglit ni Athena si Sandro ng lumapit ito sakanya. Hinuhugasan niya ang pinagkainan nila at nais daw siya nitong tulungan "Ikaw nalang maghugas mamaya. Ako na muna sa mga ito ngayon" Tahimik lang ito na para bang nahihiya dahil nakaka-abala na ito sakanya Napansin niya iyon "Alam mo huwag kang mahiya sakin. Bukal naman sa loob kong patuluyin ka dito sa mansiyon ko basta huwag mo lang ako kakalimutang balatuhan pag nakabalik ka na sainyo" Nilakipan niya nalang ng biro ang huling sinabi niya upang kahit papano ay mawala ang hiya na nararamdaman ng binata "Thanks Ana" "Ana ka ng ana sa pangalan ko. Sinabi ko na nga sayong Athena Angela Sanchez ang pangalan ko eh" Napakamot tuloy ito sa batok dahil tila nakalimutan nanaman nito ang pangalan niya "Sorry hindi yata ako mabilis makatanda ng pangalan." "Siguro nga. Siguro sa dami ng babae mong nakikilala nalilito kana sa mga pangalan" Biro niya kaya ngumiti lang ito muli Nag-lakad lakad ito sa loob ng kusina niya at tinitignan ang mga supply niyang naka-ayos sa mga cabinet doon. "O huwag kang dadampot ng kutsilyo ha. Sinasabi ko sayo makakatikim ka sakin ng flying kick" "I'm sorry. Tinitignan ko lang yung mga gamit mo. Iniisip ko kasi kung paano ka nabubuhay mag-isa rito?" Tila nahiya ulit ito kaya umupo nalang ito muli sa isang yari sa kahoy na upuan niya at pinagmasdan nalang siyang maghugas ng pingan "Bata pa lang ako dito na ako nakatira. Kasama ko dati ang magulang ko dito kaso kinuha na sila ni Lord. Maaga silang nagpahinga. Samantalang may tiyuhin naman ako sa kabilang isla, Gusto nga ng tiyuhin ko lumipat na ako doon eh. Kaso mas gusto ko rito sa isla namin. Mas tahimik at ayoko rin iwanan tong bahay namin. Kaya buwan buwan nalang akong tumatawid sa kabilang isla kapag sinusundo ako ng pinsan kong may de-motor na bangka" Napapatango lang si Sandro habang nakikinig ito sa kwento niya "Saan ka nag-aral dito? Paano kung may sakit ka? Wala ka bang cellphone man lang?" Nagkibit balikat siya "Hindi ako nakapag-aral. Dito na kasi ako pinalaki ng magulang ko eh mahirap daw na tumawid pa kami ng kabilang isla. Kaya si nanay at tatay nalang naging teacher ko. Kaso limitado lang." Seryoso naman itong nakikinig sakanya. Pinunasan niya ang kanyang kamay matapos siyang makapaghugas ng mga pinagkainan nila "Bakit hindi niyo naisipang lumipat ng bahay?" Usisa pa ni Sandro May pagkachismoso pala ang pogi na ito? Mabuti nalang at sabik siyang makipagkwentuhan dahil ito palang ang nakakwentuhan niya bukod sa mga magulang niya at sa tiyuhin at pinsan niya "Ayaw iwanan ng magulang ko ang bahay namin dito. Narito kasi ang kayamanan namin" biro niya "Paano ka nakakabili ng mga groceries mo sa kabilang isla? Saan ka kumukuha ng pangbili mo?" Napangiti siya. Ang dami naman kasing tanong nitong si Pogi. Mukhang interesado itong malaman kung paano siya nabubuhay mag-isa sa isla na iyon "Binebenta ko ang sarili ko" Naisip niyang lokohin ito Nakita niyang napakunot ng kaunti ang nuo nito ngunit hindi na nakapag-komento pa "Joke lang huy! Napakaseryoso mo naman!" Napabungisngis siya dahil naniwala ito sa biro niya "Akala ko ginagawa mo talaga iyon" "Hindi ha! Nagbebenta ako ng mga prutas. Maraming prutas dito sa isla. Sakin lahat yon kaya kapalit ng mga prutas ko rito, iyon ang pinangbibili ko ng mga pagkain." "Good thing no one wants to claim this island from you?" "Ha?" Napapakamot sa ulong tanong niya. Heto naman kasing si pogi, pinapaandaran nanaman siya ng salitang ingles nito. Napa-tikhim ito at tila nauunawaan na ngayon na hindi siya nakakaunawa ng salitang ingles. Naikwento na niya kasi sa binata na wala siyang pinag-aralan kaya siguro naman gets na nito kung bakit hindi niya ito naiintindihan "Sorry. Ang ibig kong sabihin mabuti walang umaangkin nitong isla mula sayo?" "Nako subukan lang nila at makakatikim sila ng malupit na flying kick!" Nag-akto pa siya na parang may sinipa siya sa ere kaya napangiti tuloy ang binata sakanya "May titolo ang lupain na ito. Pinamana pa iyon ng kanunununuan ng mga magulang ko. Hangang ipinamana na sakin ng magulang ko itong isla na ito. Marami ang gustong bumili nito pero hindi ko ipinagbibili dahil para sakin ito na ang mundo ko" Napapatango lang si pogi sakanya "Sa susunod isasama kita para mamitas ng mga prutas. Mapupurga ka sa mga prutas dito" Ngumiti ito "Mamaya?" "Hindi pa pwede mamaya bawal ka pang mapagod dahil baka mabinat ka. Mas makakabuti sayo kung magpapahinga ka muna" "Spending some time outside can soothe my breathing and make me feel refreshed. It will help to strengthen my immune system rather than staying in the bed" Napanganga siya sa sinabi nito. "Ha? Ano kamo?" "Sorry. Hindi ko rin alam kung bakit sanay ang dila ko sa salitang ganoon. Pasensya kana. Ang ibig ko lang sabihin mas makakabuti sakin makalanghap ng sariwang hangin" Pagpapaliwanag ni pogi sakanya "Para kang doktor kung magsalita ka. Nga pala sa tanong mo sakin kanina kung paano kapag nagkakasakit ako? Wala dasal lang at biogesic. Meron ako ritong supply ng biogesic para sa sakit ng ulo at lagnat iyon. Pero hindi naman ako sakitin eh. Kung sakali man magkasakit ako kailangan ko pang hintayin ang pagbabalik ng pinsan ko para makatawid ako sa kabilang isla. May maliit na hospital na kasi roon" Lumapit siya sa lalagyan ng biogesic. Gamot iyon para sa sakit ng ulo. Nakatingin lang ito sakanya. "O inumin mo ito. Makakatulong to sa sakit ng ulo mo" Binigyan niya rin ng isang basong tubig si pogi para makainom ito ng gamot Nagdalawang isip pa ito at parang may gustong sabihin sakanya tungkol sa pag-inom ng gamot ngunit mas pinili nalang nitong tumahimik. Nagtataka rin ito kung bakit parang marami itong alam tungkol sa mga gamot "Thanks Athena." Tinangap nalang nito ang gamot at isang basong tubig kahit parang ayaw naman nitong uminom ng gamot Lumapit naman si Athena sa isang maliit na box na nakatago sa kanyang kwarto First aid kit iyon. Ibinigay sakanya ng pinsan niya dahil kapag nagkasugat raw siya ay magagamit niya iyon. Dalawang araw na niyang ginagamot ang sugat ni Sandro sa bandang nuo nito "Halika rito sa kwarto" Tawag niya kay Sandro dahil naroon parin ito sa kusina. Mukhang nag iisip ito sa mga naikwento niya Sumunod naman ito sakanya "Humiga ka sa kama" Bahagyang namula ang pisngi nito kaya nataranta tuloy siya. Baka kasi nag-iisip ito ng malisyosong bagay! "Woy woy woy wala akong gagawing masama sayo no! Gagamutin ko lang yang sugat mo sa nuo mo oh?" Ipinakita niya ang first aid kit box na hawak niya Napayuko naman ito at umupo na sa kama niya "Ako nalang ang mag-gagamot ng sugat ko. Masyado ng malaki ang abala ko sayo--" "Ako na. Pangarap kong maging doktor noon eh pagbigyan mo nako" Totoo naman talagang pinangarap niyang maging doktor noon. Noong bata pa kasi siya ay isang beses siyang dinala sa hospital ng kanyang tatay. Tinrangkaso kasi siya noon. Nang unang beses niyang makakita ng doktor ay bumilib siya sa taong iyon dahil napagaling siya nito. Nais niya tuloy maging doktor rin pero hindi naman maaari dahil ayaw nilang iwanan ang isla Dela Vega. "Ayos lang ba talaga sayo na ginagamot mo ko?" Tanong ni Sandro sakanya habang dinadampian niya ng malinis na bulak at anti-bacterial cream ang nuo nito Medyo naiilang nga siya dahil ngayon lang niya nilinis ang sugat nito na gising ito. Kahapon kasi tulog na tulog ito habang nililinis niya ang sugat nito Hindi niya tuloy matitigan ngayon ang kagwapuhan ni pogi dahil gising ito at nakakahiyang gawin iyon Bigla rin siyang nahiyang magsalita dahil napakalapit ng mukha nito sakanya. Baka maamoy pa nito ang hininga niya. Hindi naman siya bad breath no pero parang nakakahiya magsalita sa harap nito sa ganito kalapit na pwesto Nagsipilyo naman siya kanina pero nahihiya parin siya. Nakaka-intimidate kasi ang fresh breath nitong naaamoy niya. "Pasensya kana Athena kung nagkaroon ka pa ng aalagaan" Tinakpan muna niya ng band-aid ang nuo nito bago siya lumayo ng kaunti "Ayos lang yon. Pasalamat ka mabait ako. Hindi ka ba natatakot sakin? Malay mo mananangal ako o dikaya aswang?" "Ang ganda mo namang aswang" Natatawang sabi ni Sandro Napakurap-kurap siya sa sinabi ni Sandro. Ibig bang sabihin nagagandahan ito sakanya? Pakiramdam niya tuloy ang haba ng buhok niya "Matagal na akong maganda hindi mo na kailangan sumipsip sakin no papakainin at kukupkupin naman kita no. Ikaw talaga Sandro nang bola ka pa" Napapangiting sabi niya bago niya ito tinalikuran upang hindi nito makitang kinilig siya sa simpleng pagpuri nito sa ganda niya Well, Sabi nga ng mga taga-kabilang isla, maganda raw siya. Kahit morena siya ay marami parin ang nagkakagusto sakanya doon sa kabilang isla. Wala nga lang siyang nagugustuhan sa mga iyon bukod sa long time crush niyang si Sandro Ngumiti lang ng tipid si pogi sakanya "Ano sasama ka ba sakin sa pagkuha ng mga prutas?" Humarap siya ulit sa binata para itanong iyon "Sige. Gusto kong sumama" "Osige maliligo lang muna ako." Naligo na muna siya at naghintay lang ito sakanya sa labas ng bahay niya. Napangiti nga si Athena ng makita niyang ginamit ni pogi ang bathtub na ginawa ng tatay niya para sa nanay niya. Hindi niya ginagamit ang bath tub na iyon dahil sanay siya sa pag-gamit ng tabo. Ayaw niyang mag-babad sa tubig. "Aba nakibath-tub pa si pogi ha? Yayamanin talaga siguro yon" Natutuwa tuloy siya sa tatay niya dahil kahit papaano nagamit ni pogi ang ginawa nitong man made bath-tub. Gawa iyon sa semento na nilagyan lamang nito ng kulay puting tiles. Pagkatapos niyang maligo ay doon na rin siya nagpalit ng damit sa loob ng banyo. Nakakahiya naman kasi kung lalabas siyang nakatapis baka isipin pa ni pogi na inaakit niya ito Aba siyempre hindi! Binibining pilipina siya no! Hangang ngayon ay wala pang nakakakita ng katawan niya. Iniingatan niya ang kanyang sarili at wala rin siyang balak mag asawa. Sino ba naman kasi ang sasama sakanya sa isla na ito? Hindi niya kasi kayang iwanan ang isla na ito Nagsuot nalang siya ng itim na leggings at kulay puting tshirt. Palaging ganon lang ang suot niya sa tuwing pipitas siya ng mga prutas Hindi siya nag-memakeup dahil wala naman siyang ganoon. Hindi rin siya mahilig magpaganda dahil panay ibon lang naman at mga ligaw na hayop ang makakakita sa kanya roon Pero ngayon na narito si pogi sa bahay niya parang gusto niyang magpahid ng lipstick kaso wala naman siyang ganoon. "Tara" Pagyaya niya kay Sandro ng matapos siyang magbihis Tinignan siya nito saglit bago ito ngumiti ng tipid. Nauna na siyang maglakad kay Sandro at sumunod lang ito sa tabi niya upang sabayan siyang maglakad patungo sa gubat "Saan ka pala natutulog Athena? Isang kama lang kasi ang kama mo rito sa bahay mo" Mayamaya tanong ni Sandro sakanya Tinignan niya ito "Doon ako sa upuan natutulog. Ikaw na muna gumamit ng kama ko. Isang buwan ka lang naman dito eh" "What? No, ako nalang ang matutulog sa upuan. Nakakahiya naman sayo--" "Sus. Parang yun lang eh" Balewalang sagot niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD