Chapter 31 Kakaalis lamang ni Paulo sa mansyon ng pamilyang Steford nang makaramdam si Athena ng pagkulo ng kanyang sikmura. Mula pa kasi kaninang umaga ay hindi pa siya kumakain. Mabuti nalang at dinalahan siya kanina ni manang ising ng pagkain sa kanyang kwarto at ngayon niya palang iyon balak kainin Ayaw na sana niyang bumaba sa kusina para initin ang pag-kain niya sa microwave ngunit mas ayaw niyang kumain ng malamig na pagkain Kaya naman dahan dahan siyang bumaba sa kusina upang initin ang pagkain niya. Nang mapadaan siya sa pinto ng kwarto ni Lance ay saglit siyang napatingin sa nakasaradong pintuan nito Napabuntong hininga siya dahil para siyang nakaramdam ng matinding lungkot. Naroon sa loob si pogi ngunit hindi na ito ang pogi na kilala niya. Ibang iba na ito ngayon at alam n