Chapter 8 Sinilip ni Athena si Sandro habang may ginagawa ito sa likod ng kanyang bahay. Nakasilip lang siya sa maliit na butas mula sa bintana. Busy kasi ito sa ginagawa nito at ayaw naman nitong sabihin kung ano bang ginagawa nito dahil surpresa daw nito iyon sakanya. Pinagbawalan nga siya nitong pumunta muna doon. Mayroon lubid at kahoy itong hawak hawak habang papalapit ito sa malaking puno ng nara sa di kalayuan sa likod ng kanyang bahay. "Ano kayang ginagawa ni pogi? Kainis kasi ayaw niya akong papuntahin don." Pilit niyang sinisilip ang ginagawa ni Sandro. Nanlaki ang kanyang mga mata ng itali ni Sandro ang malaking lubid sa malaking sanga ng puno! Nahirapan pa nga itong maka-akyat ng puno ngunit pinagbutihan talaga nito ang pag-akyat doon upang maisabit lang ang lubid! Isa