Chapter 19 Matutulog na sana si Athena ng marinig niya ang mahinang pagkatok sa kanyang kwarto. Napabangon tuloy siya at muling pinakingan kung may kumakatok nga ba? Masyado kasing mahina ang pagkatok ng kung sino man ang tao sa labas ng pinto Muli niyang narinig ang mahinang pag katok. Kinilabutan pa nga siya dahil alas-diyes na ng gabi. Sino naman kaya ang kakatok sa kanya? Baka si manang ising? Ngunit kakaalis lang ni manang ising sa kwarto niya dahil tinuruan siya nito kung paano gagamitin ang cellphone niya. Ginawan pa nga siya ng social media account ni manang ising kaya napatagal ang pagtambay nito sa kwarto niya May nakalimutan ba si manang ising? Kaya bumalik ito? Siguro nga? Minabuti na ni Athena na bumangon ng tuluyan at pagbuksan ng pintuan si manang ising "Manang may n