Napataas ang kilay ni Kate nang makitang nakatayo sa harap ng apartment niya si Niu. At ang pangit nito, mukhang mabaho pa. Hindi niya inasahang pati sa apartment niya ay manggugulo ito. Ano ba ang kailangan ng kutong ito? Pinag-ekis niya ang dalawang braso at tinaas ang noo. Hindi siya papayag na magmukhang kawawa sa harap nito, pride niya na lang ang meron siya. ''Ano ang ginagawa mo dito?'' Sana pala hindi pa umalis si Samuel para may magpapaalis dito. ''What was Samuel Valdomerro doing here?'' Matigas na tanong nito. Paos ang boses nito pero nandoon ang tigas ng bawat salita. Nakikita ni Kate ang galit sa mga mata nito, pero hindi sapat iyon para matakot siya sa lalakeng ito. Ito pa talaga ang galit! Siya nga ang mas dapat na galit at ito ang matatakot dahil malaki ang kasa