Napatulala na lamang si Kate isang pamilyar na mukha. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya ngayong kaharap niya ang asawa ni Niu. Ito ang unang beses na nakita niya sa malapitan ang babae. Napakaganda pala nito at kahit na madilim ay hindi maitatago ang taglay nitong ganda, pakiramdam ni Kate ay nanliit siya sa angking ganda at alindog nito. She saw Selene during the wedding. Pero hindi siya lumapit sa babae. She maintained her distance from her. “Selene, what are you doing here? Please, don’t a scene here. We can talk in private.” Narinig ni Kate si Niu. Nasa likod niya ito at hinahawakan ang kanyang braso. Mahigpit. Bakit ba siya nito hinahawakan? Para ba hindi niya masugod at saktan ang asawa nito? “Wow! What am I doing here?” Tumawa ito, isang tawa na nakakairita.