Narinig ni Kate ang pamilyar na boses sa labas ng silid niya sa ospital. Nagkatinginan sila ni Daphne na nasa loob din ng silid. “Ang kapal talaga ng mukha ng gagong iyan.” Akmang lalabas ito pero pinigilan ni Kate. “Daph, hayaan mo na. Nandoon naman na si Samuel. Siguro naman ay aalis na iyon kapag nakitang dito galing si Sam.” Walang lakas si Kate para makipag-away ngayon. Gusto niya lang sana magpahinga at umuwi na dahil ayaw niya sa amoy ng ospital. Isa ang ospital sa mga pinaka-ayaw niyang lugar. Nagbuntong-hingina ito at lumapit sa kama niya. “Basta nandito lang kami palagi ni Anyang sa tabi mo. kapag nakita ko iyonag lalake na iyan, basag ang bayag niya sa akin, makikita niya.” Kahit na malungkot si Kate ay natawa siya sa sinabi nito. Ito ang gusto niya kay Daphne, pareho s