1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi May 30, 2021 Episode 20 Isang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa aking mata noong alisin nila ang sako sa aking ulo. Dito ay tumambad sa akin harapan ang isang malalim ba bangin. Nakatali kami ni Sergio sa silya at wala pa rin itong malay. Halatang nanlaban siya dahil puro pasa ang kanyang gwapong mukha. Sa aming harapan ay nakita ko si Senyorita Annabel at si Bastos na nakabantay sa amin. "Magandang umaga Marie, nagustuhan mo ba?" tanong nito. "Anong nagustuhan? Kriminal ka talaga Senyorita Annabel! Halang talaga ang likaw ng bituka mo. Dito talaga sa bangin? Ang retro mo ha," ang wika ko naman. "Pasensiya na Marie ngunit masyadong rush ang pangyayari kaya hindi na ako nakapag-renta ng lumang gusali kung saan magaganap ang epic battle nating dalawa.