1 2 3 Asawa ni Marie
AiTenshi
May 13, 2021
Episode 8
ANNABEL POV
“Good morning po Senyorita Annabel, breakfast in bed,” ang bati ni Mario noong pumasok ito sa aking silid. “Ano naman ang kinaganda ng morning lalo’t nasilayan ko ang mukha mo? Iwanan mo na lang diyan iyan at lumabas ka na, bakla!” ang gigil kong sagot. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakita kong landian nila kahapon ng kasintahan kong si Sergio, at hindi ako papaya na isang baklushi lang ang makakatalo sa akin!
Bago lumabas si Mario ng aking silid ay pinigil ko pa siya, “Sandali, hindi mo ba itatanong sa akin kung bakit mainit ang ulo ko?” tanong ko sa kanya.
Humarap sya sa akin na may halong pagtataka, “Bakit po ba senyorita?” ang tanong nito.
“WALA KANG PAKI!! PANGET!” ang singhal ko sabay takip ng unan sa aking mukha. Hindi ko maisip na magagawa sa akin ni Sergio ang ganoon bagay, ang ibig kong sabihin ay ang makipagkaibigan sa isang mababa at hampas lupang indio!
Tahimik.
Nanatili ako sa ganoong pagkakahiga, nakapako lang ang aking tingin sa kisame habang pinagmamasdan ang magarbong desenyo nito. Nasa ganoong posisyon ako noong bumukas ang pintuan at dito pumasok ang isang lalaki, “Diba sinabi kong ayokong maistorbo?! Labas!!” ang galit kong sigaw.
“Bakit ba ang init ng ulo mo, ha? Ang aga aga ay sinisira mo ang araw mo,” ang wika ni Sergio sabay lagay ng bulaklak sa aking flower base.
Tiningnan ko siya at inirapan, “bakit ba masyado ka yatang malapit kay Mario? Isang indio iyon at hindim ka dapat nakikipag kaibigan sa mga alipin,” ang paninita ko sa kanya.
“Ano ka ba Anna, isang Indio si Mario pero hindi siya isang alipin, itigil mo nga ang mind set mo na iyan. Alam ko na kung bakit mainit ang ulo mo, dahil ba hindi ko na nagagawa ito sa iyo?” ang tanong niya sabay patong ng kamay sa aking p********e.
“Ay ano ba? Huwag mo nga ako gawing cheap, okay lang ako kahit walang s*x no, basta iwasan mo na iyang si Mario dahil ayoko sa kanya,” ang wika ko naman dahilan para matawa siya. “Bakit ba ang init ng ulo mo doon sa tao? Ano bang kasalanan niya sa iyo?” ang tanong ulit niya.
“Hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag, basta ayoko sa kanya, galit ako sa kanya since birth, fetus pa lang ako sa tiyan ng nanay ko ay galit na ako sa kanya! Sadyang may isang tao sa mundong ito na kapag nakita mo palang ay talagang kumukulo na ang dugo mo at si Mario iyon. Kaya’t huwag siyang magkakamaling agawin ka sa akin dahil baka mapatay ko ang kabit, kayong dalawa actually,” ang sagot ko sabay balikwas ng bangon at hinawi ko ang aking mahabang buhok.
“Iniisip mo ba na papatol ako sa kapwa ko lalaki?” ang tanong niya sa akin.
“Oo, lalo na’t nakikita kong mas nagiging malapit kayo ni Mario sa isa’t isa,” ang tugon ko naman dahilan para matawa siya, “Ano ka ba? Huwag ka nga nag-iisip ng mga ganyang kaimposibleng bagay. Ang mabuti pa ay hayaan mo akong bumawi sa iyo,” ang wika niya sabay halik sa aking labi.
Hinalikan ko siya at dito ay naglaplapan kami ng nguso. Ang aking kamay ay gumapang sa matigas na bukol niya samantalang naramdaman ko naman ang daliri ni Sergio sa labas ng aking panloob na saplot at hinihimas ang guhit ng aking hiyas dahillan para lalo akong kiligin at bumigay muli.
Nasa ganoong posisyon kami noong biglang bumukas ang pinto kaya naman napurnada ang aming init sa katawan, agad na inialis ni Sergio ang kamay sa aking panloob at agad naman akong bumitaw ng halik. Dito ay pumasok si Bastos at tila nagulat pa ito noong makita kaming magkayapos ni Sergio. “Ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok?” ang singhal ko.
Hindi agad siya nakasagot, nakatingin lang siya kay Sergio na parang mang-aaway pero agad rin niya itong binawi, “Senyorita, nariyan na po yung manghuhula na pinatawag ng inyong ina,” ang wika nito.
“Edi dapat si mama ang pinuntahan mo at hindi ako! Tonto! Shungaerz at boplax!” ang singhal ko naman.
“Pasensiya na po senyorita, wala po kasi si Senyora Anantola kaya ikaw na lang po ang pinatawag ng naming,” ang magalang na wika nito sabay labas sa aking silid.
“Hanggang ngayon ba ay naniniwala pa rin ang mga magulang mo sa hula?” ang tanong ni Sergio.
“Minsan, ito kasi ang tradisyong nakasanayan na nila. Kaya madalas ay nagpapatawag sila ng mahusay na manghuhula upang alamin kung saan buwan o araw magiging maganda ang ani, sila rin halois ang nagbibigay ng babala sa amin kung masamang mangyayari, wala namang masama sa huli, ito ay patnubay at gabay lamang,” ang sagot ko sabay baliwas ng bangon , nagsuot ako ng robe at lumabas sa aking silid.
Samantalang si Sergio naman ay walang nagawa kundi ang sumunod na parang anino sa akin, kung sabagay, sa ganda ko lang ay talagang mabibighani siya ng husto.
Parehas kaming lumakad sa malaking sala at dito ay nakaupo ang matandang manghuhuli sa harap ng isang maliit na lamesa habang pinagmamasdan niya ang mga tarot cards na kanyang ginagamit. Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga barahang ito pero kapag hawak na niya ang isa sa mga ito ay tila nawawala siya sa kanyang sarili na parang sinasaniban ng kung ano.
“Magandang umaga po Senyorita Annabel,” ang magalang na bati nito.
“Magandang umaga rin, sige simulan na natin ang panghuhula na iya, ano buwan pinakamagandang umani?” ang tanong ko naman.
Inilatag niya ang kanyang mga braha, “Maganda pong umani sa mga buwan ng Hulyo at Agosto,” ang wika niya sabay latag pa sa ibang baraha, “At wala naman pong kapahamakan ang naghihintay sa inyong pamilya. Pero may nakikita po ako sa inyo Senyorita,” ang wika ng matanda.
“Nakikita? Ano naman iyan?” ang tanong ko naman habang napapataas ang aking kilay.
“Nakikita kop o ang iyong dating buhay noong sinaunang panahon, nakikita ko rin po ang inyong magiging buhay sa hinaharap,” ang wika niya.
“So? Gusto ko malaman kung anong klaseng buhay mayroon ako noon, tell me,” ang tugon ko
Nanginig ang manghuhula na parang sinasaniban ng kung ano. Maya maya ay hinawakan niya ang isang baraha at sinabing, "Senyorita Annabel, kayo po ay isang magandang prinsesa noong panahon ng bato. Ikaw ang pinakahuling dugong bughaw sa inyong tribo. Ikaw ay may gwapong kasintahan ngunit hindi kayo nagkatuluyan dahil inagaw siya ng isang.. arrrghhh isang..." ang wika nito na parang nahihirapang sabihin ang umagaw sa aking dating kasintahan.
"Inagaw ng isang? Sabihin mo sa akin tanda! Sino ang umagaw!" ang singhal ko sabay hawak sa kanyang katawan habang nangingisay.
"Ano ba Anna, huwag mo siya ugain," ang pagpigil ni Sergio sa akin.
"Inagaw ng isang... Arrrghhh isang.." ang nagdedeliryong sagot nito habang namumuti ang mata.
"Isang ano? Walanghiya kang matanda ka sabihin mo sa akin! Isang anoooo??!!" ang gigil kong sigaw.
"Inagaw ng isang BAKLA!!" ang wika niya dahilan para mapasigaw ko sa pagkabigla. "Walanghiyang bakla na iyan!! Napakawalang hiya niyaaaa!" ang pagwawala ko.
"Anna, ano ka ba, yung pinag-uusapan dito ay ang past life mo, kahit magsisigaw ka at isumpa mo yung baklang nang-agaw sa kasintahan mo ay wala na ring saysay, umayos ka nga," ang pagpigil sa akin ni Sergio sabay hila sa akin para umupo ako. Hindi na ako nakapagpigil sa aking emosyon, napahawak na lang ako sa matipunong braso ni Sergio at napaiyak na lang, "bakit ganoon, lagi na lang akong inaagawan!"
"Huwag ka na umiyak, malay mo naman maganda ang hula sa hinaharap mo. Yung mga bagay na nangyari sa nakaraan mong buhay ay wala na tayong magagawa doon dahil tapos na iyon," ang wika niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Umayos at muling lumapit sa manghuhula at inutusan ko ito na ituloy ang kanyang ginagawa. Muling hinawakan ng matanda ang mga baraha at dito humugot siya ng isa. "Maganda ang iyong hinahanap senyorita Annabel, bonggaycious ito at palong palo sa takilya."
Nangiti ako, "talaga ba? Ituloy mo," ang nakangiti kong sagot.
"Ang hinaharap mo ay maganda, magkakatuluyan kayo ni Sergio at magpapakasal kayong dalawa. Yayabong ng husto ang inyong kayamanan at ang magiging maligaya ka sa iyong buhay. Ang tagumpay ay mapapasayo, ang magandang hinaharap ay iguguhit sa iyong mga palad. Ngunit ang lahat ng ito ay maaaring mawala at matapos kung hindi mo iingatan at pahahalagahan. At ang lahat ng ito ay maaaring agawin ng isang... Ng isang.. arrgghhhh!" ang wika na naman nito na parang sinasaniban dahilan para magpanic din ako.
Napatayo ako sa aking silya at hinawakan ng matanda, "aagawin ng ano? Ng isang ano? Sabihin mo sa akin matanda kaaaa!" ang gigil kong singhal.
"Kapag hindi ka nag ingat ay aagawin niya ang lahat sa iyo, aagawin niya ang kayamanan mo, aagawain niya ang hacienda at ang kasintahan mo. Aagawin ito ng isang.. arrgghhh... ng isang.."
"Sabihin mo sa akin, ng isang ano? Babasagin ko sa ulo mo itong flowerbase na to kapag hindi mo sinabi sa akin! Ng isang ano??!!" ang galit kong singhal sabay uga sa kanyang katawan.
"Aagawin ito ng isang BAKLA!!" ang sigaw ng matanda dahilan para mataranta ako at maramdam ng sobrang pagkagalit! Baka ang itinutukoy niya ay si Mario!!
"Walanghiya ka Mario! Sinasabi ko na nga ba ikaw ang magiging salot sa buhay koo!" ang galit kong sigaw, agad kong pinuntahan si Mario na noon ay dumaan sa sala saka ko ito sinabutan ng marahas. "Ikaw ang malas, ikaw ang salot sa buhay kooo! Bakla kaaaaa!"
"Tama na po Senyorita, ano po bang kasalanan ko? Tama na po," ang wika ni Mario.
"Kasalanan mo dahil malas ka sa buhay ko! Salot ka at ikaw ang sisira ng lahat! Bakla ka!!" ang galit kong sigaw. Dito ay pumigil na si Sergio, hinawakan niya ako sa braso at inilayo kay Mario na noon ay nasira ang damit sa paghablot. "Anna, ano ka ba, huwag mo ngang pagbintangan at pagbuntunan si Mario ng galit mo. Hindi bakla si Mario kaya huwag mo siyang saktan," ang pagpigil nito.
"Bakla siya! 100% proven at accredited pa iyan ng Ched! Huwag mo nga akong pigilin Sergio, kailangan tapusin na iyan bago ito maging kamalasan!" ang singhal ko at muli ko sanang susugurin si Mario pero ikinulong ako ni Sergio sa kanyang bilugang braso. "Umalis ka na dito Mario! Bilis!" ang utos nito pero dahil masyado siyang malakas ay hindi na ako nakakilos pa.
Malakas ang pakiramdam kong si Mario ang inutukoy ng matanda. At iyon marahil ang dahilan kung bakit fetus pa lang ako ay galit na ako dito. Sigurado akong siya ang umagaw ng lahat sa akin at hindi ko papayagang magtagumpay siya!
Habang nasa ganoong pagpupuryos ako ay lumapit sa akin ang matanda at nagwika, "May nakikita pa ako Senyorira, isang magandang hinaharap sa modernong panahon kung saan ikaw ang pinakamagandang estudyante sa campus ngunit aagawin ito ng isang.. arrgghh!"
"Tumahimik ka na matanda ka!" ang singhal ko sabay tulak dito dahilan para mahiga ang matanda sa sofa.
"Anna! Bakit mo ginawa iyon? Ano ka ba?! Pati matanda ay idinadamay mo sa init ng ulo mo!" ang pagpigil ni Sergio.
Umalis ako sa kanilang harapan at umakyat sa aking silid. "Anna, mag-usap tayo. Bakit parang napapansin kong sumasama ang ugali mo habang tumatagal? Parte ba ito ng pagrerebelde mo sa mga magulang mo?" tanong ni Sergio habang nakasunod sa akin.
Humarap ako sa kanya at kusang gumalaw ang aking kamay. Sumampal ito sa kanyang pisngi. "Marupok ka! Alam kong pinatira mo si Mario sa bahay mo at nagsasama kayo doon ng palihim!"
"At kanino mo naman nalaman iyan?" tanong nito.
"Wala ka na doon, sige sumama ka sa bakla mo! Pero sisiguraduhin kong gagapang kayo sa lusak kasama ng mga magulang mo! Baka nakakalimutan mong may utang sa aking magulang ang iyong mga magulang! Huwag mong piliting mapuno ang salop ng aking pagtitimpi, Sergio!" ang wika ko na may halong galit ngunit ang lungkot ay bakas sa aking mata.
"Ano naman ang pumasok sa isipan mo at ganyan ang pananaw mo? Napaka-praning mo at masyado kang selosa, pati lalaki ay pinagseselosan mo!" sagot ni Sergio sa akin.
"Oo, dahil nararamdaman ko ito! Ang mga babae ay hindi pumapalya sa aming mga duda! At kapag napatunayan ko na totoo ang hinala ko ay wawasakin ko ang buhay ni Mario at ng kanyang buong pamilya! Dahil ako si Senyorita Annabel Villaherera Y. Fernandez at naniniwala ako sa mga kasabihang "ang baklang masigpag, paglaki ay laspag! At ang baklang tumaktabo ng matulin ay kumekendeng pa rin!"
Napakamot ng ulo si Sergio, "ang labo mong kausap Anna! Praning ka!" ang wika nito.
"Praning ako dahil nagmahal ako at nagmahal ako dahil praning ako!" ang sagot ko sabay iyak at nagtatakbo ako sa loob ng silid na punong puno ng galit at lungkot.
Ilang minuto rin ako sa ganoong emosyon noong magpasya akong sumilip sa bintana at dito ay nakita ko si Sergio na kausap si Mario at nagyakap pa ang mga ito, mga bagay na hindi ko nagustuhan.
Noong mga sandaling iyon ay unti unting umusbong ang galit sa aking dibdib, mga galit na hindi basta basta naalis at mas yayabong pa ito sa paglipas ng araw.
Itutuloy..