1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 20, 2021 Episode 32 Emcee: What an impressive performance! Grabe! Ganiyan kahuhusay ang mga student sa campus na ito! Tama diba?!! Thank you so much Marie and Wonder Gays! Noong matapos ang aming performance ay halos na nahapo ako, nahilo at nanlambot dahil ginawang pagtalon at pahagis hagis sa akin kung saan saan. Pero ang lahat ay worth it naman dahil nakita ko ang reaksyon ng mga Audience sa kada galaw namin ay talagang naghihiyawan sila. Ang lahat ay humahanga dahil ang aming ginawa ng performance ay talagang stand out at kakaiba sa lahat. "Ang galing galing natin Marie, feeling ko papasok tayo sa top 5!" ang wika ng mga beki kong friend. "Basta akin ang cellphone tapos sa inyo ang datung!" hirit ko naman. Tawanan kami. Masayang masaya kami