1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi July 17, 2021 Episode 30 ANNABEL POV “Totoo ba yung mga sinabi mo sa akin?” tanong ko kay Bastos habang nagddrive ito. “Na gusto kita ifinger at kagat-kagatin ko ang mala-rosas mong pasas?” ang sagot nito dahilan para mapangiwi ako. Kaya naman pala “Bastos” ang pangalan niya ay dahil literal siyang bastos! “Ano ka ba, ang bastos mo naman e. Yung sinabi mo sa akin na doon na umuuwi si Sergio kila Marie? At parang nag-lilive in na sila,” ang tanong ko naman. “Aba OO, totoo iyan. Ilang beses ko nang sinusundan si Sergio, doon na siya umuuwi sa baklang si Marie at kung minsan ay naghahabulan pa sila ng hubot hubad sa ilog. Malaswa ang mga eksena at talagang bastos na bastos ang dating! Hindi nga papasa iyon sa MTRCB kung mga kataon,” ang sagot niya dahila