CHAPTER 3

1171 Words
Mabilis na lumipas ang araw at ganun lang ang naging routine namin ni Sir. Phoenix. Ipapatawag niya ako kung gusto niya makipag sex. Kahit gusto ko tumanggi ay wala akong magagawa dahil may deal kami, pera kapalit ng katawan ko. “Loren hindi ka pa uuwi ? 7pm na oh baka abutin ka ng malakas na ulan," ani Kristelle. Tumingala ako sa langit at tama nga ito, makulimlim na ang langit at nagbabadya ng umulan. Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala pala ako dalang payong. “Sige na mauna ka na, dadalawin ko pa kasi si mommy 2 days ko na hindi siya nadadalaw. Ingat ka." “Oh sige ikaw din magingat ka pag uwi. " Sinundan ko na lang si Kristelle ng tingin hanggang sa maka sakay siya sa taxi. Ilang minute na ang nakakalipas ay wala pa rin dumadaan na taxi, kung meron man ay may pasahero na ito. Kaya napagdesisyonan ko na lamang na maglakad muna. Hindi pa man ako nakakalayo sa company ay bigla na lang bumuhos ang ulan kaya sumilong muna ako dito sa may waiting shed. ‘Hays paano ba ako nito uuwi?' Umupo muna ako sa may upuan dahil ang sakit na ng paa ko. Pa’no ba naman kasi maghapon naka heels tapos mababasa ng ulan. Kalahating oras na ang nakakalipas  ay hindi pa tumitila ang ulan, agad kong tiningnan ang oras sa phone ko. ‘8 pm na agad.. wala pa ako masakyan tsk!’ “What are you  doing here alone?” ani ng isang pamilyar na boses ,kaya tiningnan ko  ito at  muntikan na ako mahulog sa inuupuan ko dahil sa gulat. “S-sir Phoenix..” “Bakit hindi ka pa umuuwi ? Alam mo ba kung anong oras na ?” tanong pa nito. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ayoko siya kausapin, everytime na makikita siya or kami lang dalawa ay lagi ko naaalala ang pagtatalik naming. “Wala ka bang balak kausapin ako Ms. Loren ?” may bahid na inis na saad nito. “Wala kasi ako masakyan at inabot ako ng malakas na ulan. Tsaka ako ang dapat magtanong sa'yo niyan, bakit ka ba nandito?” “Masama ba'ng pumunta dito Ms. Loren ? Well, nakita kasi kita kaya tumigil muna ako. Wala ka masakyan 'di ba? Sumabay ka na sa akin,”saad nito habang naka sandal sa may poste at nakapamulsa pa. “No thanks, mag co-commute na lang ako ,” pagtanggi ko. Humarap naman ito sa akin.“It’s already late, mahihirapan ka na makahanap ng masasakyan." “May masasakyan pa rin ako, maaga pa naman. Umuwi ka na Sir. Phoenix..” “Don’t call me Sir kapag nasa labas na tayo ng company. Hindi kita empleyado kapag nasa public na tayo. Are you  sure na hindi ka sasabay?”may panunudyo na wika nito. Napabuntong hinga na lamang ako. Mukhang wala na naman dadaan na taxi at malakas pa rin ang ulan. “Fine!” Sabay tayo ko at umuna maglakad papuntang kotse niya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at umupo sa may back seat pero pinigilan ako ni Phoenix. “What?” “Bakit ka diyan uupo? Dito ka sa tabi ko.” “A-ano?” “Tss. Dito ka umupo sa tabi ko, hindi mo ako driver,"masungit na sabi nito. Napaismid na lamang ako bago umupo sa tabi niya. “Uuwi ka na ba o pupunta ka muna sa hospital?” Pagbasag niya ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Pupuntahan ko muna si mommy, 2 days ko na siya hindi nabibisita." Tumango na lamang ito at hindi na ulit nagsalita pa. “Nandito na tayo.” Napatingin ako sa paligid at tama nga ito, nandito na kami sa hospital. Hindi ko namalayan dahil sa dami kong iniisip. “Thank you.” Pagpapasalamat ko dito bago bumaba. “Wait Loren!” Pigil niya sa wrist ko. Napadako ang tingin ko sa kamay niya na nakahawak sa wrist ko, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. ‘W-what was that ?’ “B-bakit? Do you need something Phoenix?” “A-ah wala, hmm sige pasok ka na.” Tumango na lamang ako bilang sagot. Tss ang weird niya. Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ni mommy dahil baka tulog siya at ayaw ko na  magising ko ito. Tama nga ako at mahimbing na ang tulog nito. “Mommy..” Niyakap ko siya at hindi ko na naman mapagilan mapaluha. Miss na miss ko  na siya, I want to hear her voice again... “Sorry kung ngayon lang ako ah.. naging busy kasi ako..kailangan ko kasi kumita ng malaking pera para sa pang pa-opera mo..Ayoko mawala ka mommy kaya kahit mahirapan pa ako ay gagawin ko ang lahat para sa pera.. At k-kung malaman mo po ang ginagawa ko ngayon.. sana mapatawad mo po ako..” hikbi kong saad. Lumayo ako kay mommy at pinunasan ang mga luha ko bago siya halikan sa noo. “I love you mommy..” Nang makita kong maayos ang lagay ni mommy ay napagdesisyonan ko ng umuwi. Tumigil na rin naman ang malakas na ulan. “Finally dumating ka na akala ko wala ka ng balak umuwi.” Mabilis na lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. “P-phoenix? A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko dito. Nakasandal siya sa kotse niya at pinapaikot ikot ang susi sa daliri niya na may pagka bored sa mukha niya. “Isn’t obvious Loren? Hinintay kita.” “I mean bakit mo ako hinintay ? Paano kung hindi ko naisipan umuwi sa bahay ? Eh 'di naghintay ka ng matagal dito tss stupid.” “Ayoko lang umuwi ka ng magisa.”  Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Kailan pa ito nagging concern sa akin ? Psh. “Let’s go,” aya niya sa akin. Hindi ako sumundo sa sianbi niya kaya hinilia niya ako papasok sa loo ng kotse niya. Sumimangot na lamang ako sa ginawa niya. Hindi pa naman ako pumapayag sa gusto niya eh. “From now on hindi ka na uuwi ng magisa." “Ha?” “Narinig mo ako Loren tss.” “ Psh. Ano bang gusto mo ? Balak mo na din bang kuhanin ang freedom ko ? Hindi mo na rin ako papayagan umalis ng bahay? Una ayaw mo ako palapitin sa mga lalaki. Hindi pa ba sapat na sex--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan, kaya itinulak ko ito. “I’m sorry," hingi ng paumanhin nito. Hindi ko na lamang siya pinansin buong byahe. Naiinis ako, ganun na ba ang tingin niya sa akin ? Napakagat labi na lamang ako at biglang pumatak ang luha ko. Napaka emotional ko na nitong mga nagdaang araw. Halos araw araw akong umiiyak. Naramadaman ko na lamang na tumigil ang kotse. Wala pa naman kami sa bahay naming ah. “Bakit tayo tumigil ?” “Galit ka ba? I’m sorry Loren..Te-teka umiiyak kaba ?" Umiling na lang ako bilang sagot. Pero hindi ito naniwala at hinawakan niya ang mukha ko, akala ko ay hahalikan na naman niya ako nugnit pinunasan niya lang pala ang luha ko. “I’m sorry please don’t cry.. ayoko nakikita kang ganyan..” mahinang saad nito. Niyakap naman niya ako bigla at doon mas bumuhos ang luha ko kasabay ng kakaibang nararamdaman ko sa dibdib ko. ‘Am I Starting to li-like him?’ Agad kong ipinilig ang ulo ko dahil sa naisip ko hindi ako p'wedeng mahulog sa kanya. Hindi ako p'wede mahulog sa boss ko na binabayaran lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD