"HINDING-HINDI AKO MAGIGING KATULONG!" Ito ang mga salitang binitiwan ni Cielo. Ipinangako niya sa sarili na hindi siya magiging katulad ng kaniyang mga magulang at ng halos lahat niyang kamag-anakan. Hindi naman niya minamaliit ang pagiging kasambahay dahil ito ang bumuhay sa kanilang pamilya. Kaya lang niya nasabi ang mga bagay na iyon dahil ayaw niyang habang buhay ay maging ganuon na lamang sila. May pangarap siya — ang pangarap niya ay umasenso at yumaman, upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya, kaya nga siya nagsisikap sa pag-aaral kahit hikaos sila sa buhay. Ngunit, isang araw ay mababalewala na lamang ang mga pangarap niyang iyon. Nang magkasakit ang kaniyang Tiya Agusta, ay napilitan siyang pumalit sa posisyon nito.Dahil sa laki ng pagkakautang nila sa pamilya Lorenzo ay wala siyang nagawa kung hindi ang maging kasambahay ng mayamang pamilya. Doon ay makikilala niya ang mga tagapagmana na sina Pierce, Hunter at Sancho. Ang mgakakapatid na Lorenzo na may kani-kaniyang karakter at katangian na bibihag sa kaniyang inosenteng puso.