bc

Fell In Love with a Beggar(Tagalog-R18)

book_age18+
58.2K
FOLLOW
367.1K
READ
billionaire
murder
body exchange
boss
princess
tragedy
bxg
others
abuse
passionate
like
intro-logo
Blurb

FALLEN SERIES #2

[SPG/MATURE CONTENT]

Yanlee Mcfadden, a 24 year old georgeous, handsome, hotter and one of the most sexier chief executive officer of Mcfadden Corporation. Binatang pihikan sa babae kahit na halos isubo na ng kababatang si Jessica ang sarili niya para dito ay hindi pa rin ito mapansin ng binata.

Until one day, isang pulubi at palaboy na babae sa kalye ang kanyang natagpuan. Iniligtas niya ito mula sa rumaragasang truck ngunit imbes na magpasalamat ang babae sa kanya ay tila natakot pa ito at tumakbo papalayo.

A few weeks later, it looked like destiny really meant for them to meet again.

'Di sinasadya ay nabundol ito ng dinadala niyang kotse habang tumatakbo ang pulubi sa gitna ng kalye. Marungis at nangangamoy na ito.

Isinugod niya ito sa Hospital, matapos ay iniuwi sa kanyang condo, pinatira, binihisan at pinakain ngunit lingid ito sa kaalaman ng dalaga dahil sa hindi niya malamang dahilan ay malaki ang takot nito sa mga kalalakihan.

Nangangatal, umiiyak at mas malimit kausapin ang sarili lalong-lalo na ang buwan. May mga bagay rin itong ginagawa na hindi namamalayan ng dalaga katulad ng pagtalon mula sa napakataas na gusali.

Paano niya magagawang magpakita sa dalaga? Paano niya magagawang lapitan ito? At paano niya mapapaamo gayong sa tingin niya ay nakaranas ito ng pang-aabuso mula sa mga kalalakihan.

At ngayon ay nararamdaman niyang unti-unti na siyang nahuhulog dito.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
THIRD PERSON Isang bato ang bigla na lamang tumama sa noo ni Avriah. "Umalis ka dito! Baliw!" "Baliw! Baliw!" Muling nakatanggap ng maliliit na bato si Avriah mula sa mga bata sa lansangan at tumama ito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. "Bawal dito ang baliw!" "Umalis ka dito!" Hindi matigil ang mga bata mula sa pagbato sa kanya. "Ah," daing naman ng nasaktang dalaga at hindi malaman kung paano niya iilagan ang tila ulan na mga batong tumatama sa kanya. "Hoy! Tama na 'yan! Inaano ba niya kayo? Magsilayas kayo dito!" Isang Ale naman na nagtitinda ng lugaw at pares sa kanilang harapan ang lumabas mula sa tindahan nito at itinaboy ang mga bata. "Eh inagaw niya 'yong pagkain namin eh!" sigaw naman ng batang lalaking nasa edad sampong taong gulang at muling binato ang dalagita na tumama naman sa sentido nito habang ito ay nakaupo lang sa gilid ng kalye. "Ah," muling daing ng dalaga kasabay nang pagsapo nito sa sentido niyang nasaktan. Bahagyang nasugatan ang sentido nito at nadama ng mga daliri nito ang munting dugo. Ngunit dahil matapang si Avriah sa dugo ay hindi na lamang niya ito pinansin. Humihikbi na siya habang isinusubo pa rin ang tinapay na nadampot niya lang sa isang plastic container ng basura. Nakita niya itong itinapon ng isang bata na nanggaling sa loob ng simbahan. Dahil sa sobrang gutom na kanyang nararamdaman ay mabilis niya itong dinampot. Nasa loob pa ito ng isang supot kaya't walang alinlangan niya itong kinain. Nakita ito ng mga batang lansangan na nangangalkal ng basura at pilit inagaw sa kanya ngunit dahil sa sobrang gutom ay hindi niya ito ibinigay. "Gusto niyong kayo ang kainin ko?! Magsilayas kayo dito!" muling sigaw ng Ale sa mga bata. Mabilis itong kumuha ng isang baldeng tubig at malakas na isinaboy sa mga bata. Nagtakbuhan naman ang mga ito palayo. Kumuha siya ng isang basong tubig at iniabot kay Avriah. Humagulgol siya ng malakas. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya na napapatingin sa kanya. Buong buhay niya ay hindi niya naisip na mararanasan niya ang ganito kalupit na pagdurusa at paghihirap. Hindi niya mapigilang tanungin ang Panginoon. Bakit ako? Bakit ako pa?...Anong naging kasalanan ko sa inyo...para parusahan niyo 'ko ng ganito?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.2K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.5K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.4K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.5K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.9K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook