"Bakit ho parang walang nagbabago kay Kara? Mag-i-isang buwan na ho kami rito sa hospital," Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. It's been a month pero si Kara, ay wala pa ring pagbabago. Nakakausap ko pa naman siya, 'yun nga lang ay nanghihina ang katawan niya. "Kailangan mong painumin ng kumpletong gamot ang asawa mo. Ang sabi mo ay anim na gamot lang ang naiinom niya sa isang araw?" Muntik na akong mapasabunot sa buhok ko nang maalala ko na naman iyon. Oo nga pala. Hindi ko pa napapainom ng bagong gamot si Kara. Sa ngayon, walong gamot ang kailangang i-take ni Kara para mas gumanda na ang pakiramdam niya, pero sa ngayon ay anim na gamot lang ang napapainom ko araw-araw. Ubos na rin ang pera kong nakuha noong isinanla ko ang cellphone ko sa isang pawnshop. Hindi ko na alam an