"Kara. Pasensya ka na, mainit lang talaga ang ulo ni Zach kaya nagkaganoon." Ani ma'am Lizette. Marahan naman akong tumango, "Okay lang po 'yon, Ma'am." "Oo nga pala," Sabi niya nang tila may maalala, "Nasan nga pala ang dalawang anak mo? Gusto ko pa namang makita." Ngiting sabi niya. Napahinga ako ng malalim bago magsalita, "Nasa school po ang dalawa, mamaya po pong tanghali ang uwian nila." Sagot ko sa kanya. "Nakakatuwa pa naman ang mga bulilit na 'yon! Ang kukulit! Naaalala ko kasi sa anak mo ang kambal ko." Saad niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masabi-sabi kina Sir Zach at Ma'am Lizette ang tungkol sa pagkakakilanlan ng Ama ng dalawang anak ko. Noong mga nakaraang buwan lang nakilala ni Ma'am Si Kristian at pati na 'rin si Kristofer at masasabi kong nagkakapalagayan nga s