"Kara. Sabi sa akin ni Attorney ay nilalagnat si Travis. Hindi ka na 'raw nakakapunta? May problema ba?" Mariin akong napapikit at napabuga sa hangin bago magsalita. Kausap ko kasi sa cellphone si Sir Zach. Dalawang araw na 'rin kasi akong hindi pumupunta sa presinto, wala na 'rin naman akong balita dahil ngayon lang ako natawagan ni Sir. "Pwede na kasing makalabas si Travis ngayon, pauwi na 'rin kami ni Lizette at mamaya na ang flight namin pauwi." Sabi ni Sir Zach mula sa kabilang linya, "Kung pwede sana eh, paki-check muna si Trav habang wala pa kami diyan." "S-Sige po. Ihahatid ko lang po ang dalawang bata sa school nila at pagkatapos ay pupunta na 'rin po ako sa presinto." Sagot ko. "Salamat, Kara." Sinilip ko ang dalawa na naglalaro sa may salas, ibinaba ko na ang cellphone ko