Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng building mula sa opisina ni Travis sa itaas. Breaktime kasi ngayon; kaya napagdesisyunan ko na kumain sa canteen sa labas ng building. Busy 'rin si Travis sa kanyang trabaho, halos hindi nga kami nakapag-usap kanina. "Kara! Kanina pa may naghahanap sa 'yo," Sabi sa akin ng isang ka-opisina ko nang mamataan nya ako sa may labas ng canteen. "Sino?" Nagtatakang tanong ko. Lumingon ako sa paligid at wala naman akong nakitang iba pang kakilala bukod pa sa mga ka-officemates ko. "Hindi ko kilala eh," Sabi niya at napakibit-balikat, "Nasa loob nga siya ng canteen. Kanina ka pa niya hinihintay." Tumango na lamang ako at pumasok sa loob ng canteen. Inilibot ko pa ang aking paningin at nang may makita ako na hindi naman pamilyar sa akin ay agad kong nilapi