Maaga akong nagising. Bandang ala-sais pa lang ng umaga ay mulat na ang mata ko kaya tumayo na agad ako. Muli kong binalingan ng tingin si Travis na ngayon ay mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog. Pinalitan ko ng unan ang tabi niya para mas maging komportable siya sa pagtulog niya, Lasing 'rin si Travis kagabi kaya pihado ako na mamaya ay masakit ang ulo niya pagkagising niya, kaya agad na 'rin naman akong nagpakulo ng tubig para may mainom naman siyang mainit na kape mamaya. Nagluto 'rin ako ng almusal naming dalawa, tuyo at itlog ang ulam namin para sa umagahan kaya sa tingin ko naman ay okay na 'yon para sa aming pang-almusal. Kasalukuyan akong nag-sasangag ng kanin nang may yumakap sa likod ko, "Good morning, ganda." Pasimple akong napangiti at napakagat pa sa labi nang lingun