33 Nate was doomed. Napasandal sya sa pader, sa gilid ng bintana matapos i-hang ang tawag sa kanya ng manager nila. Ang layo ng tingin niya kasabay ng pagbuntong hininga. Kadarating pa lang nila sa Manila pero ilang oras lang ay lilipad na naman sya pabalik na ng America. This is the hardest part, f**k's sake! Pinihit niya ang ulo para tingnan ang mag-ina niya na hindi na tinitikalan ng mga magulang nito at ng kakambal. Pati naman ang Mommy at Daddy niya ay ganoon din. Wala na syang panahon na makasama pa ng matagal ang mga babies niya. Pagkalabas sa ospital matapos sumpungin ng asthma si Brittany ay ilang oras lang itong nagpahinga at lumipad kaagad sila pauwi na. Umupa na lang sya ng tao para ipag-shopping ang mga ito at makabitbit ng pasalubong sa mga naiwan sa Pilipinas. Mama