30 Hindi mapakali si Brittany sa loob ng kwarto. Paroon at parito siya. Alam kasi niyang mamaya ay papasok na si Nate pagkatapos na magswimming raw ng mag-ama niya. Kahapon lang nang mag-usap sila ni Nate at nagkasundo, okay naman. Pero naiibahan sya sa sarili niya. Parang nakakaramdam sya ng mga pagkailang lalo kapag tumtitig ito sa kanya. Dati sanay na sya ng ganoon noong magkaibigan lang sila tapos ngayon ay bigla ng nag-iba. Nagkaroon na kasi ng malisya dahil gusto rin naman niya ito. Kaso di rin naman sya makaiwas dahil hindi rin naman niya kaya. Hawak niya ang smartphone. Nag-iisip kasi sya kung anong gagawin. Gusto niyang magtanong sa ate niya kung paano bang mainlove ang isang Elizares. Batay kasi sa pag-analyze nya noong araw ng kasal nila ni Nate ay mukhang may similarities