24 Aligaga si Brittany nang ipasundo sila ng limousine, papunta sa bahay ng mag-asawang Keiko at Lyeon. Ang adopted parents niya ay walang alam sa mangyayari. Wala pa siyang sinasabi mula nang umuwi siya kahapon. Hindi siya naniniwalang ikakasal sila ni Nate sa napakabilis na panahon. Wala namang ganoon. Ipasusundo raw ni Lyeon ang mga magulang niya sa probinsya. Litong-lito siya na kahit kay Luna ay wala siyang maibalita. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pagdedetalye sa lahat, dahil kahit siya ay parang nabigla rin sa mga ganap. “Bakit kami ipinatatawag dito anak?” tanong ng Papa Martin niya kaya naman nakapagat labi na lamang siya. “Ano bang nangyayari, Brittany?” tanong naman ng ina-inahan niya. “Ito po ang gusto ng Daddy ni Nate,” shw just said. Lumabas mula