NARAMDAMAN ni Maia ang pag-gagap ni Lucas sa kamay niya habang naglalakad sila palabas ng mall. Buhat nito si Luanne na may hawak na laruang kabibili lang nila kanina sa toy store. Mapupuno na ng laruan ang kwarto nilang mag-ina kakabili ni Lucas ng mga kung ano-ano. Kaya sobrang close dito ni Luanne dahil nabibigay ang gusto 'di tulad niya na puro next time na lang lagi. Sinubukan niyang bawiin ang kamay ngunit hindi nito hinayaan. Kanina pa niya ito gustong kutusan dahil sinabi sa anak niya na soon bibigyan nila ito ng kapatid. Pinamalita iyon ng anak niya sa lahat na hindi na nagawang pigilan pa. "Bitiwan mo nga kamay ko," mahinang angil niya sa binata. "Ayoko." Tanggi nito na muntikan ng ikataas ng presyon niya. Ito talaga ang magiging dahilan ng maaga niyang pagpanaw. "Dito ka lang

