Chapter 6

3531 Words
Chapter 6 Her POV Maaga akong bumangon at gumayak para pumasok at kahit na maaga akong gumising hindi ko pa din naabutan ang mga magulang ko kaya napabuntong hininga na lang ako “Manang aalis na po ako” sabi ko kay Manang “Hindi ka kakain?” tanong nya sakin kaya umiling ako “Sa school na lang po” sabi ko sa kanya at tuluyan ng umalis. Nag drive ako papunta sa university at dahil nga maaga ako wala pa naman masyadong estudyante kaya maluwag ang parking lot at wala akong naging problema don. Inayos ko ang gamit ko saka ako bumaba ng kotse ko “Your early today” sabi nya kaya nilingon ko sya “Ikaw din naman” sabi ko sa kanya “I need to be early” sabi nya at sabay kaming nag lakad papasok sa loob ng building “All rooms are close for today because all of the student are required to go to the auditorium” sabi nya sakin kaya natigilan ako “You can come with me in the student council office if you want” sabi nya pa kaya ngumiti ako sa kanya at sinundan sya “Hindi naman ba ko magiging abala sayo?” tanong ko sa kanya “No, not unless gagawa ka ng ikakaabala ko” sabi nya sakin “I won’t do such things so don’t worry” sabi ko sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob “You can sit down and do what you want” sabi nya sakin kaya umupo ako sa couch at binuksan ang laptop ko to check some of my works sa ilang kong subject na kailangan kong tapusin. Habang gumagawa ako hindi ko maiwasan na tumingin sa kanya na sobrang busy sa ginagawa nya, isinarado ko ang laptop ko at nilapitan sya “If you need help, I can help you” sabi ko sa kanya kaya nag angat sya ng tingin sakin “I’m fine” sabi nya sakin pero hindi ko sya tinigilan “You look not” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at inabot sakin ang ilang papel sa gilid nya “You know how it works right?” tanong nya sakin kaya tumango ako at kinuha yon saka tumabi sa kanya. Sinimulan ko ng basahin ang binigay nya saking papel at isa isang nilagyan ng tanda ang mga importanteng detalye don saka ibinigay sa kanya “Your fast!” sabi nya sakin kaya napatango na lang ako sa kanya “Hindi pa ba magsisimula ung orientation?” tanong ko sa kanya kaya napatingin sya sa relo nya “It’s already starting” sabi nya sakin na ikinalaki ng mata ko “What are we doing here then? We should go there” sabi ko sa kanya at tumayo na pero umiling sya sakin “I’m excuse to that orientation” sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin “You should told me para nakaalis na ko kanina pa” sabi ko sa kanya at akmang lalabas ng magsalita sya “I told Thunder that your with me at sila na bahala sayo kaya don’t worry, kung pupunta ka don ngayon gagawa ka lang ng eksena dahil late ka na. Paniguradong pagtitinginan ka lang ng lahat dahil isa lang naman ang pwede mong pasukan don at makakagawa ka ng eksena panigurado” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako saka bumalik sa pwesto ko kanina sa tabi nya. “Is that orientation important?” tanong ko sa kanya at tumango sya sakin habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa nya sa laptop nya. “Why?” tanong ko ulit sa kanya “The file that I gave earlier is the topic in the orientation today if you read that already your fine” sabi nya sakin kaya nakahinga ako ng maluwag. At least I read those files already kaya kung tanungin man kami may maisasagot naman ako sa kanila “Madami ka pa bang gagawin hanggang mamaya?” tanong ko sa kanya “Wala naman, aasikasuhin lang ung para sa club mamaya at free na ang lahat ng estudyante after the orientation” sabi nya kaya napatango ako sa kanya “Bakit mo tinatanong?” tanong nya sakin “Wala naman” sabi ko sa kanya at sakto naman na biglang pumasok ang mga kaibigan namin “Kaya pala wala ka kanina sa orientation Belle, andito ka lang pala kasama sya” sabi ni Grace sakin kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya “Anong ginagawa nyo dito?” tanong ko sa kanila saka sila nilapitan “Ikaw nga dapat ang tinatanong namin nyan eh” sabi sakin ni Trixie kaya napayuko ako. Bakit ba parang may ginawa akong mali? “I ask for her help kaya sya andito” sabi ni Jd at tumayo saka inabot kay Nathan ang file na ginawa ko kanina “Tapos na yan, ibibigay na lang yan kay dean” sabi nya kay Nathan at kinuha naman ni Nathan ang file na inabot ni Jd sa kanya. “Ibibigay ko na to sa kanya ngayon” sabi ni Nathan kaya tumango si Jd at nilingon sila Thunder “Ano pang ginawawa nyo dito?” tanong ni Jd sa kanila “Masama bang pumunta dito?” tanong ni Thunder sa kanya “Hindi, pero wag kayong istorbo” sabi nya sa kanila kaya tumingin sila sakin at kay Jd “Sige aalis na kami” sabi ni Max at umiling na lang kay Jd saka tumawa, sumunod ako sa kanila ng palabas na sila pero biglang nag salita si Jd “Sinabi ko bang umalis ka?” tanong nya sakin kaya hinarap ko sya at kumunot ang noo ko sa sinabi nya “Nakaka-istobro lang ako sayo saka tapos naman na ung orientation” sabi ko sa kanya kaya tiningnan sya nila Max at tumawa “Pano ba yan aalis na kami, nakaka-istorbo kasi kami sayo” sabi ni Max sa kanya at tuluyan na kaming lumabas ng kwartong yon. “Let’s grab some lunch first before we go back here” sabi ni Nathan samin at lumapit kay Trixie kaya tiningnan namin sila at nag taas ako ng kilay ko “Go grab your lunch” sabi ni Kate sa kanila “So tara na” sabi ni Max samin kaya kumunot ang noo no Grace “Hindi naman namin sinabi na sasama kami sa inyo” sabi ni Grace sa kanya kaya natigilan sila “if you don’t want to join then don’t” sabi ni Thunder kaya tumaas ang kilay ni Kate “Hindi naman talaga kami sasama sa inyo” sagot ni Kate sa kanya “Guys let just join them” sabi ni Trixie samin at tumingin sakin kaya nagkibit balikat ako at tiningnan si Kate at Grace. “Oo nga sumama na lang kayo samin” sabi ni Nathan samin at sakto naman na lumabas si Jd “Saan kayo pupunta?” tanong nya samin “Inaaya namin silang kumain ng lunch” sagot ni Max sa kanya at tumingin samin “Ano sasama ba kayo?” tanong ni Nathan samin kaya tumingin sakin si Jd at tumingin naman ako sa dalawa. Tahimik lang kami pero sa totoo lang nagtuturuan kami kung sasama ba o hindi sa kanila para kumain ng lunch. Hindi naman kasi kami malapit sa kanila sa totoo lang at alam kong may tensyon na din sa pagilan namin pwera na lang kila Trixie at Nathan na hindi naman nagkaroon ng problema. Magsasalita na sana ko ng biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko ung kinuha at sinagot ang tawag “Hello” sabi ko pag kasagot ko ng tawag “Belle, where are you?” tanong nya sakin “Asa school ako ate” sabi ko sa kanya at kumunot ang noo ko ng taungin nya ko. Wala naman kasi sya dito ngayon “Let’s meet” sabi nya sakin kaya nanlaki ang mata ko “Ate asaan ka?” tanong ko sa kanya “Iintayin ko kayo nila Grace sa may parking lot ng university” sabi nya sakin at pinatay ang tawag “Belle may problema ba?” tanong sakin ni Kate “Wala, tumawag si ate at gusto nya tayong makita” sabi ko sa kanila “Andito na sya?” tanong ni Trixie kaya tumango ako sa kanya “We can’t you guys, maybe next time I guess” sabi ni Trixie kay Nathan kaya napabuntong hininga na lang si Nathan “Okay lang mukang importanteng tao ung kausap nyo” sabi ni Nathan sa kanya at nag tinginan silang dalawa ni Nathan kaya naman hinila na sya ni Kate paalis “Tara na” sabi ni Kate sa kanya at nailing na lang ako saka kami umalis. “Trixie umamin ka nga samin may gusto ka ba kay Nathan?” tanong ni Grace sa kanya ng pababa kami ng hagdan “Wala” sagot agad ni Trixie kaya tinaasan sya ng kilay ni Grace “Hindi ka nagsasabi ng totoo samin” sabi ni Grace sa kanya “Wala nga akong gusto sa tao” sabi nya ulit at nauna ng naglakad samin kaya napailing na lang si Grace sa kanya. “Wag nyo ng kulitin si Trixie” sabi ko sa kanila kaya sakin sila bumaling “Naku isa ka pa eh” sabi ni Grace sakin “Anong ako?” tanong ko sa kanya “Mukang close na kayo ng kinaiinisan mo ah” sabi ni Kate sakin at siniko ako kaya napailing ako “Hindi kami close na dalawa at nagkataon lang na nagkita kami kanina” sabi ko sa kanila kaya natawa sila “Hindi naman namin hinihingi ang explanation mo kung bakit kayo magkasama kanina, napaghahalataan na defensive ka” sabi ni Grace sakin at tinapik ako sa balikat kaya napabuntong hininga na lang ako “Si Trixie ang topic diba bakit napunta sakin?” tanong ko sa kanila kaya mas lalo silang natawa. Napailing na lang ako sa kanila at naglakad na kami papunta sa parking lot kung saan nakita namin si ate nanakaupo sa hood ng kotse ko kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya at sinugod sya ng yakap “Ate” tawag ko sa kanya at nilingon nya ko saka ko sya niyakap “Mukang na miss mo ko ah” sabi nya sakin “Syempre naman” sabi ko sa kanya “Hi ate Devlin” bati sa kanya nila Kate saka lumapit samin at niyakap din si ate “Na-miss nyo naman ako masyado” sabi ni ate samin “Anong ginagawa mo dito ate?” tanong ko sa kanya “Sasabihin ko sa inyo mamaya pera muna sa ngayon kumain muna tayo” sabi ni ate samin kaya tumango kami sa kanya “Sige ate game kami dyan basta libre mo” sabi ni Trixie sa kanya “Syempre ililibre ko kayo” sabi ni ate samin kaya sumakay na kami sa dala nyang kotse at umalis na, nagpunta kami ni sa isang grill resto na malapit lang sa university. Naunang lumabas sila Grace at sumunod kami ni ate sa kanila “Ate anong rason mo kung bakit ka talaga umuwi? Alam na ba nila Daddy na andito ka?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin “Alam na nila Daddy na andito ako dahil nakausap ko na sila at tara na sa loob para masabi ko sa inyo ang dapat kong sabihin” sabi nit ae sakin at pumasok na kami sa loob kung asaan sila Grace. Umupo ako sa tabi ni Grace at katapat ko naman si ate “Umorder na kayo ng kahit anong gusto nyo sagot ko kayo” sabi ni ate samin kaya naman agad kaming umorder ng gusto namin na pagkain at ng maka-order kami nagsimula na kong magtanong sa kapatid o. Hindi naman sa ayaw ko syang umuwi pero nagtataka lang talaga ko na bigla na lang syang uuwi ngayon ng walang mahalagang dahilan, dati kasi kahit pinipilit ko syang umwi ayaw nya dahil busy sya sa trabaho nya pero ngayon eto sya sa harap ko ng ganon na lang. “Ate bakit napauwi ka agad?” tanong ko sa kanya kaya ngumiti sya sakin “May importante kasi akong sinabi kila daddy” sagot nya sakin na ikinakunot ng noo ko “Umuwi ka pa talaga para lang don?” tanong ko sa kanya “May ipinakilala din kasi ako sa kanila” sabi nya sakin na ikinalaki ng mata namin at isa lang ang ibig sabihin non “May boyfriend ka na ate?” tanong ni Grace sa kanya at tumango si ate sa kanya “Totoo ba?” tanong ni Kate “Oo nga at kaya din ako umuwi kasi gusto kong ipakilala sya kila daddy at syempre sa kapatid ko” sabi ni ate sakin “Talagang kailangan mo syang ipakilala sakin” sabi ko sa kanya at natawa sya “Wag kang mag alala dahil mamaya makilala mo sya sa bahay” sabi ni ate sakin kaya ngumiti ako “So, ate gaano na kayo katagal?” tanong ni Kate sa kanya “Mga three years na and going four years kaya ipinakilala ko na sya” sagot ni ate sa tanong ni Kate “Ate grabe ka ganun na kayo katagal at ngayon mo lang ipapakilala samin” sabi ko sa kanya “Kasi sigurado na kong sya na talaga ngayon” sabi nya sakin at ngumiti kaya tumango ako sa kanya “Kuya Ken will be happy for you ate” sabi ni Grace kaya napabuntong hininga si ate sa sinabi nya “I’m happy for him also” sabi ni ate sa kanya. “Uy wag ng ungkatin ang past” sabi ni Trixie kaya natawa kami. Ex-boyfriend kasi ni ate ang pinsan ni Grace na si Kuya Ken, well hindi naman masakit ang naging break up nila dahil parehas nilang naging desisyon yon at masaya naman na sila sa kanya-kanya nilang buhay ngayon at nakikita ko yon sa mata ng kapatid ko. “Here’s your order Ma’am” sabi ng waiter samin at inilapag na sa lamesa namin ang mga pagkain na inorder namin at nagsimula na kaming kumain na lahat. Pagkatapos naming kumain inihatid kami ni ate sa university “bye ate and thank you sa food” sabi nila kay ate at nauna ng umalis. Naiwan ako kaharap ang kapatid ko “Are you sure na sya na talaga?” tanong ko kay ate “Oo at sigurado akong mahal namin ang isa’t isa” sabi nya sakin “Ate kahit mahal nyo ang isa’t isa hindi pa din mawawala ung pagkakataon na baka hindi pala kayo ang itinadhana” sabi ko sa kanya “Belle hindi lahat ng bagay sa tadhana nakasaad minsan kasi asa atin din ang lahat” sabi nya sakin at tinapik at sa balikat “ate naman sinasabi ko lang sayo to kasi ayokong masaktan ka” sabi nya sakin kaya niyakap nya ko “Wag kang mag alala sakin dahil kaya ko to, gusto ko na ikaw naman ang maging masaya Belle” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at humiwalay sa yakap nya “I’m happy ate” sabi ko sa kanya at umiling sya “You’re not and I can see that in your eyes. Iba ung kislap ng mata mo pag masaya ka” sabi nya sakin “Hindi lahat ate maibabalik sa dati saka masaya naman ako at kuntento na ko sa inyo” sabi ko sa kanya kaya sya naman ngayon ang napabuntong hininga “Basta andito lang ako para sayo” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at ngumiti “Alam ko yon ate” sabi ko sa kanya “Aalis na ko at iintayin kita sa bahay” sabi nya sakin kaya tumango ako at hinayaan na syang umalis. Nang makaalis si ate sumunod na ko sa mga kaibigan ko at naabutan ko silang kausap si Nathan “Anong meron?” tanong ko sa kanila ng makalapit ako “Magsisimula na daw kasi ang opening ng mga clubs na pwede nating salihan” sabi ni Trixie na mukang excited sa lahat. “Anong club ba ang pwede namin salihan?” tanong ko kay Nathan “Drama, Sports, Arts, Book, Music, Dance and Photography club and pwede nyong salihan ngayon” sabi nya samin at alam ko na agad kung anong club ang sasalihan ko “Anong sasalihan nyo?” tanong ko sa mga kaibigan ko at ang unang sumagot ay si Trixie “Book club” sabi nya agad “Tanggap ka na” sabi ni Nathan sa kanya “agad agad?” tanong ni Kate “Oo, ako naman ang head ng club na yon” sagot ni Nathan sa kanya kaya napailing ako. “Art club na lang ako” sabi ni Grace samin “Ako sa Drama club na lang” sabi naman ni Kate kaya tumingin sila sakin “Photography” sabi ko naman kaya tumango sila. “Kung ganon naman pala sasamahan ko na kayo sa mga club na gusto nyo” sabi ni Nathan samin kaya tumango ako “Nathan bakit kakaiba ka sa mga kaibigan mo, ang bait mo kasi” sabi ni Grace sa kanya kaya natawa si Nathan “Mabait din naman si Max, may mga pagkakataon nga lang na hindi nya naiisip ang mga ginagawa nya pero mabait yon” sabi nya kay Grace kaya napailing na lang si Grace sa kanya “Ewan ko lang kung totoo yang sinasabi mo” sabi ni Grace sa kanya kaya natawa na lang ulit si Nathan “Si Thunder din mabait ung tao na yon pero pikon sa totoo lang at may pagka-playboy” sabi nya saka tiningnan si Kate “Ung sa sinabi mong pikon at playboy maniniwala ako” sabi ni Kate kaya napailing na lang ako sa kanila “Si Jd din naman mabait din at kumpara sa dalawa si Jd mas mabait, ganon lang talaga ang ugali nya sa mga taong hindi malapit sa kanya pero kung makikilala mo ng lubos si Jd sobrang bait non. Kaya nga nung sinira nya ung earphone mo Belle agad syang bumili ng kapalit dahil nakonsyensya sya kahit natarayan sya sayo. Si Jd ung taong mabait pero mahirap kaaway, ikaw lang Belle ang babaeng nakaganon kay Jd sa tinagal namin dito sa university” sabi ni Nathan sakin kaya kumunot ang noo ko sa kanya “Bakit mo ba sinasabi samin to?” tanong ko sa kanya “Wala lang, binubuild up ko lang ang mga kaibigan ko sa inyo kasi hindi naman sila tulad ng nakikita nyo ngayon” sabi nya sakin kaya napairap si Kate “I doubt Nathan, wala ata sa ugali ni Thunder ang maging mabait” sabi ni Kate “Kilalanin nyo muna kasi sila bago nyo sabihin yan” sabi nya samin kaya napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nya. Kilalanin si Jd? Mukang malabo yon dahil hindi sya ung taong nakikita kong magiging malapit kami sa isa’t isa. May pagkakaparehas kami ng ugali pero hindi yon dahilan para mapalapit kami sa isa’t isa dahil baka mag away lang kaming dalawa sa kasungitan ko at ganon din sya. “Andito na tayo sa Drama club” sabi nya samin “Sige ako ng bahala dito” sabi ni Kate kaya tumango kami at iniwan namin sya sa labas ng drama club room at sumunod naman naming pinuntahan ay ang Art club na kung saan nag paiwan na din si Grace, ako na lang ang sinamahan ni Nathan at Trixie sa Photography club “Wala bang kailangan ipakita sa kanila?” tanong ko kay Nathan “Wala, on the spot ka nilang tatanungin at papakuhanin ng mga litrato don” sabi nya sakin kaya tumango ako at nakarating kami sa garden ng school “Dito nag lalagi ang Photography club” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya “Thank you sa pagsama” sabi ko sa kanya at nagpaalam na sa kanila ni Trixie. Nang makaalis silang dalawa lumapit na ko sa isang estudyanteng nakaupo sa upuan para mag inquire “Mag a-apply sana ko” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin “Diretso na po kayo sa garden at andon po ang head namin” sabi nya sakin kaya pumasok ako sa loob at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang taong andon “Ikaw ang head ng photography club?” tanong ko sa kanya at tumingin sya sakin “may problema ba don?” tanong nya sakin kaya agad akong umiling. Iniiwasan ko na nga sya pero nakikita pa din kaming dalawa at pati ba naman sa club na sasalihan ko sya pa ang head. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng tadhana o ano. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD