Chapter 60 His POV Nang makarating ako sa ospital mabilis akong nagtungo sa kwarto ni ate Devlin pero bago pa man ako makarating don may humarang na sakin “Let’s talk” sabi sakin ni Krystal kaya tiningnan ko sya “Wala akong balak makipag usap sayo” sabi ko sa kanya at iniwasan sya pero hinawakan nya ko sa kamay ko kaya napabuntong hininga ako “Ano bang gusto mo?” tanong ko sa kanya “Gusto kitang makausap” sabi nya sakin “Wala tayong dapat pag usapan Krystal at umalis ka na lang dito kasi pag nakita ka ni Belle baka makagawa ka lang ng gulo at ayokong masaktan sya” sabi ko sa kanya “Aalis ako kung kakausapin mo ko” sabi nya sakin “Stop being stupid Krystal, ayokong kausapin ka” sabi ko sa kanya at tiningnan sya ng masama “Do you want Belle to know what happened to us o kakausapin mo na l