Chapter 47 Her POV Ang bilis lumipas ng oras parang kung kelan lang nangyari ang lahat, hindi ako makapaniwala na sa sobrang bilis ng panahon ang dami na palang nangyari samin, madaming nagbago at sa pagbabago na yon mas nag matured kami, we now understand what should we prioritize the most in our life. Maghapon kaming magkasama ni Jd kahapon at hindi ko na lang mapigilan na mapangiti dahil naalala ko ang nangyari kahapon, we had a great time together talking about our relationship, sana nga lang talaga wala ng makasira samin. “Mukang ang lalilim naman ng iniisip mo dyan Belle” sabi sakin ni Trixie kaya tiningnan ko sya, kasalukuyan silang andito sa bahay namin dahil trip lang nila saka wala naman pasok ngayon at halos ngayon na lang din kami nagkaroon ng oras para sa isa’t isa dahil ng