Chapter 4
Belle POV
Tiningnan namin si Trixie dahil sa sinabi sa kanya ni Nathan “What?” tanong nya samin “What was that Trixie?” tanong sakin ni Grace sa kanya kaya napailing na lang sya “Wala!” sagot nya samin “Your close with him” sabi naman ni Kate sa kanya “Wala naman masama saka hindi naman sya katulad nung tatlo na kinakainisan nyo” sabi nya samin kaya napailing ako at nagbigay pa talaga ng katwiran, they’re friends at hindi nya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nung apat na yon. “Don’t let your gurad down Trixie” sabi ko sa kanya kaya napailing sya “Guys we should learn to make friends with them or with anyone” sabi nya samin “Not with them Trixie, hindi sila ung taong gagawa ng matino” sabi naman ni Kate sa kanya “Ewan ko sa inyong tatlo” sabi nya samin at tumayo “Saan ka pupunta?” tanong ni Grace sa kanya “May klase na po ako” sabi nya kaya napatango kami at hinayaan na syang umalis. Naiwan kaming tatlo nila Kate at Grace na magkakasama dito sa garden dahil mamaya pa naman ang klase namin. “Hindi pa din ako makapaniwala na si Max ang driver ng kotse na yon” sabi ni Grace kaya napalingon kami ni Kate sa kanya “Hindi ka pa ba nakakamove on dyan?” tanong ko sa kanya at tinaasan nya ko ng kilay “Ikaw nawala na ba ang inis mo kay Jd?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako sa kanya “See hindi pa din diba!” sabi nya kaya napatango na lang ako. “Alam nyo may point naman si Trixie sa sinabi nya, this is our last year so instead of having some trouble why not make peace” sabi ni Kate kaya kumunot ang noo namin sa kanya ni Grace “Why all of the sudden Kate?” tanong sa kanya ni Grace “Wala! Naisip ko lang saka hindi magiging memorable ang last year natin sa college kung buong year magkakaroon lang tayo ng alitan with them dahil ayawan man natin wala tayong magagawa dahil makikita at makikita natin sila dahil sa iisang university lang tayo nag-aaral” sabi nya at may point sya don. “You have a point” sabi ko sa kanya “I agree” sabi naman ni Grace. Nag usap-usap lang muna kaming tatlo bago kami nag hiwahiwalay para sa next class namin at after nito pwede na kong umuwi dahil wala naman na kong susunod pa na klase. Hindi naman ganon ka hectic ang schedule ko ngayon pero bukas full load ako from morning till afternoon. Nag punta na ko sa susunod kong klase at inihahanda ko na ang sarili ko dahil baka kaklase ko na naman sa subject na to si Jd at mag away na naman kami, ayoko naman ng may kaaway pero sa ugali nya kasi talagang hindi kami magkakasundong dalawa at hindi ko alam kung ano ang mangyayari o paanong mangyayari ang sinasabi ni Kate. Pumasok na ko sa loob ng classroom at may mga ilang estudyante na din ang andito pero wala si Jd pero hindi din ibig sabihin na wala sya dito wala na talaga sya malay ko ba kung lumabas lang yon. Naghanap na lang ako ng bakanteng upuan at umupo don saka inintay ang professor ko at hindi naman nag tagal dumating din sya at luckily hindi ko nga kaklase sa subject na to si Jd. May isang subject din pala akong hindi sya kaklase, buti naman dahil tahimik ang buhay ko. Our professor starts the discussion and it last for about two hours then nagpalabas na sya. Hindi naman na ganon kahirap ang mga subjects ko ngayon dahil graduating na nag ako pero lahat ng subject ko puro major. Nang masiguro kong ayos na lahat ng gamit ko lumabas na ko ng room at napaatras ako ng makita ko si Jd na nakatayo sa labas ng room at may iniintay. Okay hindi dapat ako mag assume na ako ang iniintay nya dahil imposible yon kaya naglakad ako at nilapgasan sya pero napatigil ako ng tawagin nya ko “Miss Co” tawag nya kaya nilingon ko sya “Why?” tanong ko sa kanya “I need to talk to you” sabi nya kaya kumunot ang noo ko “Why?” tanong ko ulit dahil wala naman dahilan para mag usap kaming dalawa “You pass the application right?” tanong nya kaya tumango ako “Then I need to interview you” sabi nya kaya napatango ako “Is that necessary?” tanong ko sa kanya “Of course” sabi nya at nagsimula ng maglakad kaya sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa student council office at pumasok don. Naabutan kong andon si Max, ung kaway ni Kate at si Nathan “Hi Belle” bati sakin ni Max kaya ngumiti ako ng bahagya sa kanya “Hello” sabi ko sa kanya “I want you to meet Thunder” sabi naman ni Nathan “Hi” sabi nya sakin kaya ngumiti lang ako sa kanya “Are you done?” tanong naman ni Jd kaya nilingon namin sya at seryoso ang muka nya saka pumasok sa loob ng isang kwarto “s this really necessary?” tanong ko sa kanila “Yes at sumunod ka na” sabi naman ni Max kaya tumango ako as kanya “Good Luck” sabi naman ni Nathan kaya nilingon ko sya ng may pagtataka. The hell ano ba tong pinasok ko? Parang gusto ko na atang umatras ah! Nagulat kaming lahat ng bigla na lang bumukas ang pinto kung saan pumasok si Jd kanina at masamang nakatingin sa tatlo “Lumayas na nga kayong tatlo” sabi nya kila Nathan “You get inside” sabi naman nya kaya pumasok ako sa loob at lumbas naman sya saglit saka pumasok ulit. “Have a sit” sabi nya kaya naupo ako sa bakanteng upuan at ganon din sya. “What is the reason why you decide to run?” tanong nya agad “Wala man lang warm up question?” tanong ko sa kanya “Just answer my question” sabi nya kaya inirapan ko sya at sinagot ang tanong nya “I don’t want to run but my friends pursue me” sabi ko sa kanya dahil yon naman ang totoo “Then you’re not qualified” sabi nya bigla at tumayo. “Bakit ba ang sungit mo?” tanong ko sa kanya “That’s an irrelevant question” sabi nya sakin kaya inirapan ko ulit sya. “I really don’t want to run for a president dahil alam kong mahihirapan lang ako at andyan kayo ng mga kaibigan mo! Sino ba naman kami na mga transferee lang lalo na ko para maging president ng student body” sabi ko sa kanya kaya bahagya syang natigilan kaya ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko “Being a president is not just a title but an obligation and a responsibility na papasanin mo throughout the year. I’m not a great leader but I know what a leader should be and that is to understand your members and others, to guide them and give them motivation that everytime” sabi ko sa kanya at ito ang unang beses kong nakita syang ngumiti kaya napangiti na din ako. “You are ready to be a leader” sabi nya sakin kaya napatango na lang ako at tumayo na at akmang lalabas ng magsalita sya ulit na ikinalaki ng mata ko “I’m sorry for what I did and for being rude to you” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya at ngumiti sa kanya “I accept your apology” sabi ko sa kanya kaya ngumiti sya. Lumabas na kaming dalawa at naabutan namin ang mga kaibigan namin na asa labas kaya parehas kaming nagtaka lalo naman ako “Anong ginagawa nyo dito?” tanong ko kila Kate “I’m here because me and Thunder need to finish our assigned task” sabi nya kaya napatango na lang ako at nilingon si Trixie at Grace. “Ako may pinag-uusapan kami ni Nathan” sabi ni Trixie saka inangat ang hawak nyang libro at ganon din si Nathan, bumaling naman ang tingin ko kay Grace. “Do I need to explain myself? Hindi ba pwedeng curious lang ako sa interview mo?” tanong nya kaya napailing na lang ako “Ewan ko sa inyo” sabi ko sa kanila. “Bukas nga pala cancel ang classes pero may pasok pa din for orientation and club fair naman sa hapon” sabi ni Nathan samin “Club fair? Uso pa yon kahit college na?” tanong ko sa kanila “Yes, isa yon sa naging project ng student council for the student para naman kahit paano may pahinga pa din” sabi ni Jd kaya napatango na lang ako at napatingin sa relo ko “Guys I need to go na” sabi ko sa kanila “Sabay na ko sayo” sabi naman ni Grace “Una na kami sa inyong dalawa” sabi ko sa dalawa at tumango lang sila saka ipinagpatuloy na ang ginagawa nila. Lumabas na kami ni Grace ng office at naglakad na pero hinabol kami ni Max “Grace” tawag nya kay Grace kaya huminto ako at dinamay ko na din si Grace kahit ayaw nya. “Bakit?” tanong ko kay Max “I just want to talk to Grace for a while kung pwede” sabi nya sakin kaya napatango ako at tiningnan ako ng masama ni Grace pero nagkibit balikat lang ako sa kanya at lumayo sa kanila ng konti. I have no idea kung ano ang pag uusapan nilang dalawa pero baka tungkol yon sa nangyari kapahon sa parking lot if alam ni Max na kami yon. Pinagmasdan ko lang silang magkausap ng may tumabi sa gilid ko kaya nilingon ko sya. “Having fun eavesdropping?” tanong nya sakin “I’m not eavesdropping!” sabi ko sa kanya at umiling lang sya saka lumapit kay Max “We need to go Grace” sabi ko sa kanya at hinila na din sya kaya umalis na kaming dalawa at pumunta na sa sasakyan nya. “Anong sinabi sayo ni Max?” tanong ko sa kanya “Wala, he still has no idea sa nangyari kahapon” sabi nya sakin kaya natawa ako “Then tell him” sabi ko sa kanya pero umiling sya sakin. “He should know what he did” sabi nya kaya ako naman ang napailing sa sinabi nya at sumakay na ng koste nya at inihatid na nya ko pauwi samin. “See you tomorrow” sabi nya at tumango ako sa kanya at bumaba na ng kotse nya saka pumasok sa loob ng bahay namin na sinalubong naman agad ako nila mommy na ikinagulat ko “Buti naman at andito ka na” sabi nya sakin na ikinakunot ng noo ko “Bakit po?” tanong ko sa kanya at hinila nya lang ako at nakasunod samin si Daddy na nagkibit balikat sakin hanggang sa nakarating kami sa may garahe “Surprise!” sabi ni mommy at tumambad sakin ang isang kotse na ikinalaki ng mata ko. “Really?” tanong ko sa kanina at tumango naman silang dalawa sakin. “It’s about time to have your own car after all yoyr doing good with your study saka malapit ka ng magtrabaho sa kompanya” sabi ni Daddy sakin kaya niyakap ko sila ni Mommy “Thank you po” sabi ko sa kanila at niyakap din nila ko. Hindi ko naman kailangan ng bago, pwede ko naman gamitin ung iba naming sasakyan pero thankful pa din ako kasi kahit hindi ko hiningi sa kanila ibinigay nila sakin. “I love you Mom and Dad” sabi ko pa sa kanila “We love you too” sabi nila sakin at humiwalay sa yakap ko. “You want to test drive it?” tanong sakin ni Dad at tumango ako kaya sumakay kaming tatlo “Be careful okay!” sabi ni Mommy na asa likod kaya tumango ako. I start the engine and start to drive around the village with them. “You’re a good driver” sabi ni Daddy sakin “Well you thought me” sabi ko sa kanya at ngumiti hanggang sa nakabalik na kami sa bahay at ipinarada ko na.
I’m so thankful that they are my parents and they love me so much. Pumasok na kaming tatlo sa bahay at sabay sabay na kumain ng hapunan. Nauna na akong umakyat sa kanila sa kwarto ko para magpahinga at iniwan silang dalawa na may ibang pinag uusapan tungkol sa negosyo namin, minsan sumasali ako pero nagpaalam na din para nga magpahinga. Pagkasok ko sa loob ng kwarto ko hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari. They are the best parents for me at sobrang bless ko talaga dahil sila ang naging magulang ko, simula bata pa lang kami ni ate kahit na busy sila sa negosyo may araw pa din na bumabawi sila samin sa mga pagkukulang nila. Hindi lang sa materyal na bagay kung hindi sa pagmamahal din, we bond as family always kaya bigla ko tuloy na miss si Ate dahil wala sya ngayon dito. I can’t wait to be with her, and we become complete again. Naglinis ako ng katawan ko at nagpalit na ng pantulog saka nahiga na sa kama ko at binuksan ang laptop ko para mag sulat sa online journal ko. I used to have a journal and what happened to my life every day I write in my journal so one day will remember what happened to my life.
Nang maisulat ko na ang nangyari sa araw ko na to napangiti na lang ako pero agad yon nawala ng maalala ko ang ngiti ni Jd kanina hindi ko akalain na ngingiti sya ng ganon at ung paghingi nya ng sorry, I accept his apology dahil ramdam kong sincere naman sya. Well sa tulad nyang tao pahirap nga naman manghingi ng sorry pero ginawa pa din nya kaya napangiti ulit ako at nawatawa na lang sa sarili ko saka umiling! Nababaliw na ata ako! Pinatay ko na ang laptop ko saka yon itinabi sa lamesa sa gilid at nahiga saka ipinikit ang mata ko pero sa pagpikit ko muka ni Jd ang nakikitra ko kaya napapadilat ako. What the hell is happening to me? Hindi naman ito ang unang beses kong makakita ng gwapong lalaki pero bakit naiisip ko pa din sya? Hanep! Kinalma ko ang sarili ko at ipinikit muli ang mata ko at buti na lang hindi ko na sya maiimagine. Eto ang unang beses na nangyari ulit to sakin pagkatapos ng ilang taon na lumipas noong bago ko isarado ang puso ko pero ayoko ng pag usapan pa yon dahil nakaraan na yon at asa bagong yugto na ako ng buhay ko ngayon.