Chapter 42 Her POV Mabilis dumaan ang mga araw at linggo, madami din nagbago at nangyari sa mga nagdaan na araw na yon tulad na lang ng sa kapatid ko, isang linggo syang hindi umuwi samin at ngayon sobrang balisa pa din nya at halos wala ng kinakausap samin. Hindi ko alam kung anong nangyari at mas pinili ko na lang na hindi na lang makielam dahil alam kong hindi naman nya sasabihin sakin dahil naka ilang beses na kong subok para kausapin sya pero wala lang nangyari kaya sumuko na ko. “What are you thinking?” tanong sakin ni Jd at inabot ang ice coffee na binili nya para sakin, andito kami ngayon sa cafeteria dahil iniintay namin sila Mark at may sasabihin daw sila samin “Iniisip ko lang si ate dahil ilang araw na syang wala sa sarili nya” sabi ko sa kanya kaya napatango sya “Si kuya nga