Chapter 16
Her POV
Lahat sila umalis na at kami na lang ni Jd ang naiwan dito “What do want to do?” tanong nya sakin kaya nilingon ko sya at pinagtaasan ng kilay “Bakit mo ko tinatanong?” tanong ko sa kanya “By pair diba, gusto mo bang magsolo?” tanong nya sakin kaya inirapan ko sya “Hindi yon ang ibig kong sabihin, ang point ko bakit kailangan mo pa kong tanungin kung ano gusto kong gawin eh malamang ang gagawin natin dito ay sumakay sa mga rides” sabi ko sa kanya kaya napailing sya sakin “Lilinawin ko ang tanong ko sayo” sabi nya sakin kaya tumango ako “Saan mo gustong sumakay?” tanong nya sakin “Ayan, ganyan sana ung tanong mo” sabi ko sa kanya “Sagutin mo na ung tanong ko” sabi nya sakin “Atat lang” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “If your now going to be serious might as well let’s part our ways” sabi nya sakin at kita mo tong tao na to ang init lagi ng ulo “Eto naman masyadong seryoso, pwede ba Jd kumalma ka at wag masyadong serious face. Andito tayo para mag enjoy kaya tara” sabi ko sa kanya at bigla syang hinila papunta sa mga rides. “Saan mo gustong mauna?” tanong ko sa kanya dahil ang daming nakapalibot na rides saming dalawa “Ako dapat ang magtanong nyan sayo” sabi nya sakin “So ako ang mag dedesisyon?” tanong ko sa kanya “Yes” sagot nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya at hinila ulit sya “Belle we can just walk, wala masyadong tao ngayon” sabi nya sakin kaya tumango ako at naglakad kami papunta sa gusto kong sakyan, actually hindi naman akong ma-rides na tao at ayoko sa lahat ng rides ay ang roller coaster, hindi ako sumasakay sa roller coaster ever since. “Dito tayo” sabi ko sa kanya at nakarating kami sa may swan boat ride “Dito mo gustong sumakay?” tanong nya sakin kaya tumango ako sa kanya “Diba sabi mo ako ang mag desisyon” sabi ko sa kanya kaya tumango sya sakin at hinila ko na sya para sumakay don. Sumakay kaming dalawa at syempre sa iisang swan boat lang alangan naman na sa magkaiba pa kami “Uy mag pedal ka” sabi ko sa kanya “Eto na nga ang gagawin ko” sabi nya sakin kaya natawa ako “Parehas kaming nag pedal para umandar ang swan boat at nag ikot-ikot kami dito sa mini lake “Anong tingin mo kila Max at Grace?” tanong ko sa kanya “Can we stop talking about them, kahapon pa sila ang topic natin at hanggang kanina sila ang pinag-uusapan nating dalawa” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya “Sige nga anong pag-uusapan nating dalawa?” tanong ko sa kanya “Anything but not about our friends” sabi nya sakin kaya napatango ako “Kung ganon papayag ka ba na magtanong ako tungkol sayo sasagutin mo?” tanong ko sa kanya at tiningnan sya “I will agree but I will just answer it if I want” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “To be fair you can ask me some question to and I will answer it honestly” sabi ko sa kanya at ngumiti. Kaming dalawa lang naman ang andito sa boat ride na to at solo namin to sa ngayon kaya kahit siguro magtagal kami pwede. “You ask me first” sabi nya sakin “Bakit ang cold mo? Sa inyong magkakaibigan ikaw ung ang hirap lapitan, ung tipong hindi na makalapit sayo ang mga tao sa paligid mo, bakit ka ganon?” tanong ko sa kanya “I have my reason, I don’t want others to take advantage over me” sagot nya sakin “Eh bakit nga?” tanong ko sa kanya “One question at a time, it’s my turn to ask question” sabi nya sakin kaya napatango na lang ako “Sige na nga, go ask me a question” sabi ko sa kanya “If you’re going to choose between love and friendship what will you choose?” tanong nya sakin na sandaling nagpatahimik sakin, Ung tanong nangyari na sakin “Nakakatawa yang tanong mo” sabi ko sa kanya at tumawa ng pilit “Your not answering my question Belle” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Parang kadaling sagutin nung tanong mo pero sa totoo lang mahirap lalo na pag nangyari na, Back then I choose love over friendship so ngayon mas pipiliin ko ang friendship kasi baka kung eto ung pinili ko hindi siguro ako masasaktan” sabi ko sa kanya “Hindi porket iba ang pinili mo noon at hindi naging maganda ang resulta non pag umulit ka at parehas pa din ng pagpipilian magiging maganda na ung resulta kapag ung hindi mo pinili ang pinili mo ngayon, hindi kasi parehas ang sitwasyon noon sa ngayon” sabi nya sakin na nagbigay ng isang palaisipan sakin ngayon, may punto sya sa sinabi nya pero hindi din porket ganon hindi na maiiba ang mangyayari. Kung mauulit ang mangyayari noon mas pipiliin kong piliin ang friendship kesa sa love “It’s my turn to ask another question” sabi ko sa kanya at umayos na “Go and ask” sabi nya sakin “Why are you being to secretive?” tanong ko sa kanya “I’m not, like what I said earlier ayoko lang na may mag take advantage sakin” sabi nya sakin pero hindi ako satisfy sa sagot nya kasi laging bitin wala man lang further explanation “I will be honest with you, I’m not satisfied with your answers” sabi ko sa kanya kaya ngumiti sya pero hindi ako natutuwa “Why not ask me a direct question, hindi yung ang dami mo pang paligoy-ligoy” sabi nya sakin “I will don’t worry” sabi ko sa kanya at inirapan sya “Then it’s my turn to ask question, Can you still fall in love with the same person who hurt you the most?” tanong nya sakin at hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa tanong nya o itutulak ko na lang sya dito “Sinaktan nga nga ako bakit pa ko mahuhulog ulit sa kanya, so hindi ang sagot ko” sabi ko sa kanya “I’m not the one who have a stone heart here” sabi nya sakin “Bakit ikaw ba pag sinaktan ka ng taong mahal mo at bumalik sya sa buhay mo ng parang walang nangyari at babalikan ka nya makikipagbalikan ka ba?” tanong ko sa kanya “I won’t” sagot nya sakin “Kita mo ikaw din” sabi ko sa kanya at binasa sya ng tubig mula sa pond kaya napailing sya sakin at tinawanan ko lang sya “What did you ex do to you para maging ganyan ka?” tanong nya sakin kaya kumunot ang noo ko sa tanong nya “Uy ako pa ung magtatanong” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin “You already asked me a question and I answer it” sabi nya sakin “Hindi dapat kasama yon” sabi ko sa kanya pero umiling sya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako “Okay fine sasagutin ko na ang tanong mo, nailove ako sa kaibigan ko at naging masaya naman kami kasi parehas kami ng nararamdaman actually noong una pala ako lang may may nararamdaman sa kanya, magkaibigan kami simula pa lang elementary ako, nauna ko nga syang naging kaibigan kesa kila Trixie. Tuwing may nangyayari sa buhay ako andyan sya sa tabi ko at ganun din ako sa kanya hanggang noong nag high school kami nahulog na ko ng tuluyan sa kanya pero meron syang taong mahal non at ako kaibigan lang nya pero hindi ko sukat akalain na isang araw pumunta sya sakin at doon inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya at naging kami, noong una okay naman kami for years we’ve been happy pero isang araw na gulat na lang ako na bigla syang nawala ng walang paalam sakin at isang sulat lang ang natanggap ko galing sa kanya na he doesn’t love me and he leave because he doesn’t want to hurt me kaya sya umalis, pero Jd sa ginawa nya mas nasaktan ako. Wala syang sinabing kahit ano kung bakit ganon ang nangyari, he just said that he fell out of love pero minahal nga ba nya talaga ko? Hanggang ngayon tanong pa din yan dito sa isip ko na hindi masagot” kwento ko sa kanya at hindi ko napagilan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko kaya agad ko yong pinunasan. “Ano ba yan! Umiiyak na tuloy ako” sabi ko sa kanya at pilit na tumawa. Kahit pala matagal na masakit pa din lalo na pag naalala ko lahat ng nangyari noon. “If you want to cry you can Belle I’m here, you can lean on my shoulder” sabi nya sakin “Okay lang ako Jd” sabi ko sa kanya at inayos ang sarili “Ask me a question” sabi nya sakin pero umiling ako sa kanya “Alam kong hindi mo pa kayang sabihin sakin ang istorya ng buhay mo kaya mag enjoy na lang tayo kasi kaya tayo andito ngayon para mag enjoy hindi para alalahanin ang nakaraan natin” sabi ko sa kanya kaya “If that’s the case I will be in charge from now on” sabi nya sakin kaya tumango ako “okay” sabi ko sa kanya at nagdesisyon na kaming lumipat sa ibang ride para mag enjoy ang senti kasi namin don sa ride na yon. “So saan tayo ngayon?” tanong ko sa kanya at inilahad nya sakin ang kamay nya na tinaggap ko naman “Let’s go” sabi nya sakin at umalis na kami. Hindi ko alam kung saan nya ko dadalin pero hinayaan ko na lang sya. Dinala nya ko sa pambatang area kaya kumunot ang noo ko “Seryoso ka dito Jd?” tanong ko sa kanya “Let’s have fun for a while” sabi nya sakin kaya tumango na lang ako sa kanya at sya naman ang humila sakin para sumakay kami sa isang ride “Jd muka tayong tanga dito” sabi ko sa kanya kasi naman ang tanda na namin pero dito pa talaga naming naisipan na sumakay, well hindi naman sya talaga pang bata lang pero kasi naman ang laki na namin para dito “Just enjoy the ride” sabi nya sakin at umupo sa tabi ko “Enjoy or make me dizzy?” tanong ko sa kanya kaya tumawa sya ng bahagya “Both” sabi nya sakin at mas inikot pa ang tea cup na sinasakyan namin “Jd! Nakakahilo” reklamo ko sa kanya at medyo nalakas pa ata ang boses ko kaya tumawa sya sakin “Don’t shout Belle” sabi nya sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin at buti na lang natapos din agad ang ride namin kaya naman noong bumaba kami muntik na kong mabuwal dahil sa pagkahilo “Careful” sabi sakin ni Jd at inalalayan ako, umupo muna kami sa isang bench sa gilid para magpahinga “Ang ganda naman ng naisip mong ride, pwede naman tayong doon sa hindi nakakahilong ganito” sabi ko sa kanya “At least nag enjoy ka naman” sabi nya sakin “Muka ba kong nag enjoy ng ganito?” tanong ko sa kanya habang masama ang tingin sa kanya “Let’s go for the next ride” sabi nya sakin at hinila nya ulit ako “Sino ngayon satin ang parang bata?” tanong ko sa kanya at tinawanan sya kasi naman kung mahila sya sakin ngayon wagas “I just want you to have some fun” sabi nya sakin “Okay fine pero wag naman na tayo sa kids ride” sabi ko sa kanya kaya tumango sya sakin at huminto kami sa harap ng isang ride “Game?” tanong nya sakin “syempre naman” sabi ko sa kanya at agad kaming pumila at dahil nga walang masyang tao agad kaming nakasakay na dalawa. Sa bandang gitna saka ko pupwesto ng pigilan nya ko “Wag dyan, walang trill dyan” sabi nya sakin at dinala nya ko sa dulo ng banka para doon umupo. Kaming dalawa lang ni Jd dito sa pinakadulo “Sigurado ka ba dito?” tanong ko sa kanya “Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan” sabi nya sakin “Wala ng atrasan to” sabi ko sa kanya at ibinaba na ni kuya ang safety bar at hindi nagtagal ng simula na ang ride, noong simula hindi mabilis at mataas ang pag swing nya pero ng tumagal na tumaas na ng tumaas kaya napakapit ako kay Jd at pumukit “Open your eyes and you can shout anything you want” sabi nya sakin dahil ang mga kasama namin sumisigaw na din kaya gumawa na ko “Ahhhhhh” sigaw ko habang tumataaas at bumibilis ang ride kasabay din non ang mahigpit kong pagkapit sa braso ni Jd. It takes about few more minute’s ng matapos ang ride at inalalayan ako ni Jd na bumaba pero compare doon sa kanina namin mas nag enjoy ako dito “Saan tayo next?” tanong ko sa kanya at parang batang excited sa susunod naming sasakyan na ride “Let’s take a break first baka mas mahilo ka sa susunod” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at naglakad lakad kami “asaan kaya sila?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami “Maybe roaming around or enjoying the ride” sabi nya sakin kaya napatango ako sa kanya at nagpatuloy kami sa paglalakd na dalawa at dinadama lang namin ang magandang vide at view ng paligid habang naglalakd kaming dalawa “Jd can you take a picture of me?” tanong ko sa kanya at huminto sa paglalakad para iabot sa kanya ang phone ko at magpakuha ng litrato sa kanya “Yes” sagot nya sakin at kinuha ang cellphone ko kaya naman pumunta na ko sa pwesto ko at humarap sa kanya saka ngumiti, he took a lot of photo then return my phone “Done” sabi nya sakin kaya naman hinila ko sya palapit sakin at inangat ko ang phone ko na naka open na ang front camera “Say cheese” sabi ko sa kanya at ngumiti ako saka kumuha ng selfie picture with him, actually hindi sya prepared dito sa picture na to pero kahit na ganoon maayos pa din ang itsura nya “Are you happy?” tanong nya sakin at tumango ako sa kanya. We take a lot of photos together then continue to walk while appreciating the place “Do you want to go on a ride?” tanong nya sakin pero umiling ako “Let’s just walk for now” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin. Naglakad lakad pa kaming dalawa hanggang sa nakarating na kami sa may mga game booth kaya naman napatingin ako don at ang daming mga prizes na sobrang cute “Do you want to play?” tanong nya sakin kaya tiningan ko sya “Do you know how?” tanong ko sa kanya “Yes” sagot nya sakin “Then let’s play” sabi ko kanya at nagpunta kami sa isang booth para maglarong dalawa “Do you want to go first?” tanong nya sakin kaya tumango ako at inabot nya sakin ang water gun. “Just aim the target” sabi nya sakin at yon ang ginawa ko pero sad to say talo “Ikaw naman” sabi ko sa kanya at pinanood syang maglaro and to my surprise we won. “Yey” sabi ko sa kanya at napaakbay sa kanya sa tuwa “choose what you want” sabi nya sakin kaya naman inalis ko ang pagkakaakbay ko sa kanya at pumili lang stuff toy na available “Can I have the brown bear?” tanong ko sa staff kaya tumango naman sakin ung staff at kinuha yon para sakin. “Eto po Ma’am” sabi nya sakin at agad ko naman kinuha yon. It was a human size bear stuff toy at ang cute nya “Thank you Jd” sabi ko sa kanya at ngumiti “you’re welcome” sabi nya sakin at we took a picture together with the bear stuff toy that he got. “So where do you want to go next?” tanong nya sakin “Hindi tayo makakasakay ng rides if we have this” sabi ko sa kanya at inangat ang hawak kong stuff toy “Let’s just put it in the car first” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at kinuha nya sakin yon saka kami lumabas at inilagay muna yon sa sasakyan. Nang makabalik kami sa loob muli nya kong tinanong “Where do you want to go?” tanong nya sakin “Let’s ride that one” sabi ko sa kanya at itinuro ang isang water ride activity “Do you have extra shirt with you?” tanong nya sakin kaya umiling ako “Madali na yon” sabi ko sa kanya at hinila na sya para pumasok at pumila sa ride na yon, saglit lang kami sa pila at kami na ang sumunod na sumakay don sa ride “Are you ready to get wet?” tanong ko sa kanya “You should also get ready” sabi nya sakin at ngumiti lang kami sa isa’t isa at nagpaka-enjoy sa ride. The whole duration ng ride parehas kaming nabasa ni Jd kaya ang ending bumili na lang kami ng t-shirt sa souvenir shop para maging pamalit namin and we still go on a ride. Nag lunch lang kaming saglit na dalawa dahil hindi naman namin ma-contact ang mga kaibigan namin kaya kaming dalawa na lang ang kumain ng lunch at pagkatapos non we just roam around at nakakuha pa ulit kami ng isang stuff toy pero this time ako na ung nakapanalo pero naka ilang try din ako at thanks to Jd by helping me win kaya ibinigay ko sa kanya ung stuff toy. Ngayon na hapon na at madilim na din we both decided na isang ride ang sakyan at yon ay ang Ferris wheel kung saan kita mo ang buong view ng amusement park mula sa tuktok. “Woah” sabi ko habang nakatingin sa view sa baba at kumuha pa ko ng ilang litrato. “I hope you enjoy this bond” sabi nya sakin kaya naman tumango ako “I did Jd and thanks to you, thank you for letting us be part of your cycle” sabi ko sa kanya “There’s nothing to be thank with” sabi nya sakin at ngumiti. “Still thank you for having my company and I enjoy it a lot” sabi ko sa kanya at tumingin sa kanya.
Ibang iba sya sa Jd na sobrang sungit noong una kaming magkakilala, he is nice, and I enjoy his company hindi ako na bored na kasama sya at kahit paano may nalaman ako tungkol sa kanya at sya ung unang tayo na nakapag-opne up ako ngayon. “I also enjoy being with you Belle” sabi nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya.