Chapter 14
Her POV
Tinanaw namin ni Jd na umalis si Nathan pagkatapos naming syang kausapin, actually narinig kong pinag-uusapan ni Thunder at Jd si Nathan kanina bago umalis sila Thunder at dahil don pumasok na sa isip ko na kaya nagkakaganon si Trixie ay dahil kay Nathan, hindi naman kasi sasama ang pakiramdam ni Trixie ng ganon na lang, kilala na namin ang isa’t isa at sa tingin ko kanina kay Trixie kaya lang nya gustong umalis o umuwi kasi iniiwasan nya si Nathan. “Love is really complicated” sabi ko at napabuntong hininga “and yet you believe in destiny” sabi ni Jd sakin kaya nilingon ko sya “Magkaiba naman kasi ang destiny sa love” sabi ko sa kanya “Anong pinagkaiba ng dalawa na yon? Parehas lang naman na hindi totoo” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya “Hindi lahat ng pinagtagpo ng tadhana sila na para sa isa’t isa” sabi ko sa kanya “Pero na niniwala ka pa din sa tadhana” sabi nya sakin “Oo kasi it takes time to the things that we are destined” sabi ko sa kanya “Hindi ako mananalo sayo, masyado kang naniniwala sa mga bagay na imposibleng mangyari” sabi nya sakin “Pag ikaw tinamaan ka ng pag-ibig at ng tadhana kakainin mo lahat ng sinabi mo na yan” sabi ko sa kanya “Well see” sabi nya sakin at ngumiti “Papasok na nga ako sa loob, uwuwi ka na!” sabi ko sa kanya “I will, see you tomorrow” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya “See you and Thank you again sa flowers saka sa time” sabi ko sa kanya at ngumiti. Pumasok na ko sa loob ng restaurant at inintay si Daddy don “Miss Belle okay lang po ba kayo dyan?” tanong sakin ng manager “Okay lang ako” sagot ko sa kanya “Pwede naman pong dun muna kayo sa opisina” sabi nya ulit sakin “Okay lang talaga ako dito, saka malapit naman na si Daddy” sabi ko sa kanya “If may kailangan po kayo tawagin nyo lang po ako” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya at ngumiti “Maiwan ko na po kayo” sabi nya pa sakin “Sige, Salamat” sabi ko sa kanya. Habang iniintay ko si Daddy dito sa resto pinapanood ko ang mga taong kumakain dito, meron mag-asawa, pamilya, mag boyfriend – girlfriend, magkakaibigan, business partners at may mga nag-iisa. Iba-iba silang lahat pero isa lang ang napansin ko sa lahat they are here to eat, kahit pa may kasama sila o wala andito sila para kumain and to satisfy their needs. One couple got my attention, they are having dinner and so sweet with each other pero kahit ganon nakikita ko na may kulang sa mga mata nila at muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid, lahat sila masaya pero iilan lang ung totoong masaya. Some people are hiding their true feelings to forget what the reality is and to avoid being pity. Hindi naman masamang ipakita na nalulungkot ka at hindi ka masaya kesa naman hindi ka maging totoo sa sarili mo pati na din sa mga tao sa paligid mo. Naala ko tuloy si Jd kanina, nakikita ko sa mga mata nya na ang dami nyang pinagdadaanan pero iba ung pinapakita nya saming lahat. Ayoko naman na kulitin sya kasi buhay nya yon at hindi din naman nya ko pinapakielaman sa buhay ko saka wala akong karapatan para magtanong dahil magkaibigan lang kami saka sabi naman nya na hindi pa eto ang panahon para mag kwento sya at tama naman sya don dahil it takes time for everything. Hindi naman ganun kadaling magkwento lalo na kung ung istorya na yon ay may impact pa sa buhay ng isang tao. “Did I keep you waiting?” napalingon ako sa nagtanong at nakita ko si Daddy “No dad” sagot ko sa kanya “Na bored ka ba?” tanong nya sakin “Hindi po, I have fun watching others” sabi ko sa kanya kaya napangiti sya sakin “Did you find something interesting?” tanong nya sakin kaya tumango ako “Yes Dad” sabi ko sa kanya “Okay, are you ready to go?” tanong nya kaya tumango ulit ako at inayos ang gamit ko. Lumabas na kami ni Dad ng resto at sumakay sa kotse nya “By the way, I notice something” sabi ni Daddy sakin kaya kumunot ang noo ko “Ano po yon Dad?” tanong ko sa kanya at tininganan nya ang hawak ko bulaklak “Who gave you flowers?” tanong nya sakin “One of my friend Dad” sabi ko sa kanya “Sigurado kang kaibigan lang?” tanong nya sakin kaya natawa ako “Opo” sagot ko sa kanya “Naniniguro lang ako, gusto ko kapag may pumoporma sayo dapat sa bahay” sabi nya sakin kaya napangiti ako “Dad wag kang mag alala pag may nanligaw sakin sasabihin ko na ikaw ang kausapin” sabi ko sa kanya “Dapat lang” sabi nya sakin. Dad is so protective to us, buti nga hindi na sya ganon kay ate at hinayaan na nyang sial ni Kuya Dan. Alam ko naman na kaya ganito si Dad sakin dahil ayaw nya lang akong masaktan “Dad thank you” sabi ko sa kanya “Why are you thanking me?” tanong nya sakin “Kasi you are the best father for me” sabi ko sa kanya at ngumiti at ganon din sya sakin. Nang makarating kami sa bahay tinulungan ako ni Daddy sa dala ko at sinalubong kami nila Mommy “Wow! Mukang may nanliligaw na sa baby sister ko ah!” sabi ni ate sakin ng makita nya ang dala kong bulaklak “Last time Purple Hyacinth ang uwi uwi mo ngayon naman red rose” sabi ni mommy sakin kaya napalingon si daddy samin ng sabihin ni mommy yon “What did you say?” tanong ni daddy kay mommy “What? Did I say something?” tanong naman ni Mommy kaya napailing na lang ako sa kanila “Wala po akong manliligaw, ung bulaklak na uwi ko last time ay nakita ko lang po sa may koste ko at eto bigay po to sakin ng kaibigan ko” sabi ko sa kanila kaya napatango si Ate sakin “Lalaki ung kaibigan mong nagbigay?” tanong nya sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin at tumawa lang sya sakin kaya napailing ako. “I swear wala po akong manliligaw at kung meron man kayo agad ang makakaalam” sabi ko sa kanila kaya tumango si Daddy sakin. “Okay, let’s all get some rest dahil gabi na” sabi ni Dad samin kaya tumango kami at sabay na kami ni ate na umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto at sinundan ako ni ate kaya nilingon ko sya “Bakit ate may kailangan ka?” tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga bulaklak na dala ko sa vase dito sa kwarto ko “naka move on ka na ba?” tanong nya sakin kaya natigilan ako at nilingon ko ulit sya “Anong klaseng tanong yan ate?” tanong ko sa kanya “Hindi mo sinagot ang tanong ko” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Oo ate, naka move on na ko” sagot ko sa kanya “I see” sabi nya sakin “May sasabihin ka pa?” tanong ko sa kanya “meron” sabi nya sakin at nilapitan ako “Ano yon?” tanong ko sa kanya “May lakad ba kayo this weekend?” tanong nya sakin “Bukas ate meron” sagot ko sa kanya “Sa isang araw?” tanong nya sakin “Wala” sagot ko sa kanya at pumalakpak naman sya naikinakunot ng noo ko “Bakit?” tanong ko sa kanya “Pupunta tayo ng beach!” sabi nya sakin “Ha?” tanong ko sa kanya “Dan and I decided na magbakasyon at isama kayo nila Grace tapos sya isasama nya ang kapatid nya” sabi nya sakin kaya napatango ako “Sasabihin ko kila Kate ang balak mo ate” sabi ko sa kanya “So sasama kayo?” tanong nya sakin “I will join pero itatanong ko pa kung sasama sila Kate” sabi ko sa kanya kaya tumango sya “Excited na kong ma-meet mo ang kapatid ni Dan” sabi nya sakin kaya kumunot lalo ang noo ko “Bakit naman?” tanong ko sa kanya “Basta, magpahinga ka na. Byee” sabi nya sakin at umalis na kaya napa-iling ako. Kung ano man ang iniisip ni ate ngayon sana lang hindi kalokohan yon! Pagkatapos kong ayusin ang mga bulaklak na bigay ni Jd sakin, ianyos ko na din ang mga ganit ko at pagkatapos non naglinis na ko ng katawan saka nahiga sa kama ko. Nakakapagod ang nangyari ngayong araw na to, ipinikit ko ang mga mata ko para ipahinga ng biglang tumunong ang cellphone sa gilid ko kaya naman tiningnan ko kung sino ung tumatawag sakin, medyo late na din kasi dahil nagtagal pa ko sa resto bago dumating si Dad. Kumunot ang noo ko ng makitang unregistered number na naman ang tumatawag sakin at kesa sagutin ko sya pinatay ko na lang ang phone ko kasi paniguradong istorbo lang yon at prank call na naman, wala akong oras para sa ganong klaseng tawag! Humiga na ulit ako at ipinikit ko na ang mga mata ko, maaga pa ako bukas dahil may lakad kami saka kakausapin ko pa si Grace.
KINABUKASAN maaga akong nagising at kahit maaga akong nagising wala akong naabutan sa bahay pwera na lang kila manang pagbaba ko sa may kusina “Manang asan po sila?” tanong ko kay Manang “Ang daddy mo nag golf ngayon, ang kapatid mo naman saka ang mommy mo magkasama dahil may aasikasuhin daw” sabi ni manang sakin kaya napatango ako. Ako lang pala ang kakain ng breakfast na mag isa ngayon “Okay po” sabi ko kay Manang “Ipaghahain na kita” sabi ni manang sakin pero umiling ako “Ako na lang manang kaya ko naman” sabi ko sa kanya at ako na ang kumuha ng sarili kong pagkain “Sige, dun lang ako sa may garden kung may kailangan ka pa” sabi nya sakin kaya tumango ako at kumain na. Habang kumakain ako tinagawan ko na si Grace pero hindi sya sumasagot sa tawag ko kaya naman nag send na lang ako ng message sa kanya na pupunta ako ngayon sa kanila para naman alam nyang pupunta ko don at hindi sya magulat na andon ako ngayon. Pagkatapos kong kumain at ng mailigpit ko ang pinagkainan ko umakyat na ulit ako pabalik sa kwarto ko para gumayak. Simpleng damit lang ang susuotin ko ngayon dahil sa amusement park kami pupunta at hindi advisable na magsuot ako ng bongga damin kaya nag pants lang ako at simpleng tshirt with my body bag saka rubber shoes. Nang masiguro kong nadala ko na ang mga kailangan ko tulad syempre ng wallet at cellphone ko na importante saka ang susi ng koste ko bumaba na ko sa baba para umalis. Dumaan muna ko sa garden para magpaalam kay manang at naabutan ko si manang don at ang ilan naming kasambahay na nag aayos ng halaman kasama ng hardinero namin “Manang aalis na po ako at baka late na po ako makauwi ngayon” pagpapaalam ko kay Manang “Sige ako ng bahalang magsabi sa kanila, mag iingat ka” sabi nya sakin “Opo” sagot ko sa kanya at umalis na. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta kila Grace, malapit lang naman ang bahay nila Grace sa bahay namin kaya sandali lang akong nagdrive papunta sa kanila. Bumaba ako ng sasakyan ko at ng makita ako ng guard nila pinapasok na agad ako sa loob “Andyan po ba si Grace?” tanong ko kay Manong “Oho andyan po sya” sabi nya sakin kaya tumango ako at pumasok sa loob ng bahay nila kung saan sinalubong agad ako ni tita “Hi Belle, long time no see” sabi nya sakin at niyakap ako kaya ganun din ang ginawa ko. We often sees Grace parents because they are staying at the hacienda in the province at tanging si Grace lang minsan ang andito sa manila “Hi tita Ginny, it’s so good to see you tita” sabi ko sa kanya at humiwalay sa yakap “Me too, so how was your mom?” tanong nya sakin “She fine tita and she’s with ate today may nilakad daw po” sabi ko sa kanya at napatango sya “By the way Grace is upstairs and you can go there” sabi nya sakin “Thank you tita” sabi ko at umakyat na sa taas para puntahan si Grace. Bago ko pumasok sa kwarto nya kumatok muna ko “The door is open” sabi ni Grace at mukang hindi alam na ako to kaya naman dahan dahan akong pumasok “Hey!” tawag ko sa kanya kaya napalingon sya sakin “What are you doing here?” tanong nya sakin at napatayo sa pagkakaupo nya. She is doing something in her desk actually at nung sinilip ko nag da-drawing pala “I’ve been calling you and your not answering kaya nag send na lang ako ng message na pupunta ko dito pero mukang hindi mo naman nabasa kasi busy ka” sabi ko sa kanya at naupo sa kama nya. Tiningnan naman nya ang phone nya at pinakita sakin ang message at missed call ko “So what are you doing here nga?” tanong nya ulit sakin “Well may napag-usapan kasi kami kahapon nila Jd kaya andito ako para yayain ka!” sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman sya “Saan?” tanong nya sakin “Gagala tayo today” sabi ko sa kanya “Busy ako” sagot nya sakin “Hindi totoo” sabi ko sa kanya at lumapit sa ginagawa nya para tingnan yon at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nakadrawing sa sketchbook nya na agad nyang tinago “What the!” sabi ko at pinanlakihan nya ko ng mata kaya natawa ko “Don’t say a word” sabi nya sakin “Seriously Grace” sabi ko sa kanya at talagang tumawa sa pagkabigla. “Shut up Belle” sabi nya sakin “I will basta gumayak ka na and I will wait for you downstairs” sabi ko sa kanya “Fine! Labas na” sabi nya sakin kaya lumabas na ko at bumaba sa may living room nila kung saan andon si tita na nagbabasa ng magazine “Did you talked to her?” tanong sakin ni tita “Yes po” sagot ko sa kanya “May lakad ba kayo today?” tanong nya sakin “Opo, lalabas po kami ngayo to bond” sabi ko sa kanya kaya napangiti sya. “Oh, I miss those days na ganyan!” sabi ni tita sakin. “So tita how was the farm po?” tanong ko sa kanya “Doing well and I’m planning to produce a new product for our durian fruit” sabi ni tita sakin “That was great tita, I bet it will be a success again” sabi ko sa kanya “I wish and thank you” sabi nya sakin. Nakipagbidahan lang ako kay tita habang inintay ko si Grace at hindi nagtagal dumating din sya “Mom we need to go” sabi ni Grace kay tita kaya tumayo na ko “Bye tita see you around” sabi ko sa kanya at ngumiti “Mag iingat kayo” sabi nya samin kaya tumango ako, kotse ko na ang ginamit namin at ang meeting place namin ay sa restaurant namin “I’m sorry for not attending your oathtaking yesterday, something came up” sabi ni Grace sakin habang nag da-drive ako “I understand Grace pero may natuklasan ako at hindi ko alam kung bakit hindi mo yon makita” sabi ko sa kanya na naging dahilan para kumunot ang noo nya “Anong ibig mong sabihin?” tanong nya sakin kaya napangiti ako, naalala ko tuloy ung drawing nya. “Umamin ka nga sakin, ano bang dahilan mo para ireject si Max?” tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga say “Belle kilala mo ko at sa panahon ngayon ayokong pumasok sa isang relasyon” sabi nya sakin “Pero si Max ang drawing sa sketchbook mo” sabi ko sa kanya kaya sinamaan nya ko ng tingin na ikinatawa ko “Things are complicated Belle” sabi nya sakin “Alam ko yon pero Grace sa taon naman na lumipas panahon na siguro para palayain mo ang puso mo sa nakaraan kasi ako ganon na ang gagawin ko” sabi ko sa kanya “Kahit bumalik sila?” tanong nya sakin “Bumalik man sila o hindi Grace, ayoko ng ikulong ang sarili ko sa nakaraan kasi paniguradong masaya na sila ngayon at deserve din natin na sumaya” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Tama ka don at kagabi ko pa pinag-iisapan yan” sabi nya sakin “I can sense that max is a great guy and he will not hurt you” sabi ko sa kanya “Paano ka nakakasigurado saka hindi ko nga alam kung seryoso sya sa mga sinasabi nya, ngayon lang natin sila nakilala at ngayon ko lang nakilala si Max tapos biglang sasabihin nya yon sakin” sabi nya sakin “Grace hindi mo ba namumukaan si Max?” tanong ko sa kanya kaya kumunot ulit ang noo nya “What are you talking about Belle?” tanong nya sakin at ngumiti ako sa kanya saka ipinarada ang sasakyan ko dahil nakarating nakami sa resto. Tumingin ako sa kanya “Grace isipin mong mabuti at kilalanin mo si Max, you knew him” sabi ko sa kanya at bumaba na ng koste ko. Alam kong nag iwan ako ng palaisipan sa isip ni Grace at sana maisip nya kung sino nga ba talaga si Max.
Hinayaan ko lang si Grace na mag-isip at nilapitan na sila Jd na mukang kanina pa nag iintay samin “Kanina pa kayo?” tanong ko sa kanila “We just arrive five minutes earlier” sagot nya sakin kaya napatango ako. Wala pa sila Thunder, dapat susunduin ko sila Kate pero nag basa ko ung message nya sakin kanina na isasabay na lang daw sila ni Thunder kaya hindi ko na sila sinundo. Ang andito pa lang ngayon ay kami ni Grace saka si JD, Max at Nathan. Wala pa ung tatlo “Did you talk to Grace?” tanong sakin ni Jd kaya tumango ako. Hindi naman kasi bumaba ng koste ko si Grace eh. “How about Max?” tanong ko sa kanya “I did but I didn’t say that I know anything! I want him to be the one who will tell about it” sabi nya sakin kaya napatango ako “Wag kayong magbulungan na dalawa na para bang kayo lang tao dito” sabi ni Nathan samin ni Jd “Sorry” sabi ko sa kanila at bahagya tumawa. Tiningnan ko si Grace mula dito sa pwesto ko at napabuntong hininga ko ng hindi sya lumabas sa koste ko “May babalikan lang ako sa kotse ko saglit” sabi ko sa kanila at pinuntahan na si Grace “Hindi ka ba lalakas dyan?” tanong ko sa kanya “I don’t want to see Max” sabi nya sakin kaya napairap ako “Grace face him, kung may feelings ka sa tao wag mong pigilan” walang prenong sabi ko sa kanya “Belle” sambit nya kaya napabuntong hininga ako at binuksan ang pinto ng kotse ko saka sya pinalabas “Grace harapin mo ung tao kasi sa ginagawa mo nasasaktan din yon, kung hindi mo sya gusto sabihin mo kung bakit at wag mong gawing excuse ang nakaraan” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at tumango. “Fine” sabi nya sakin at naglakad na kami papalapit kila Jd “Good thing you here with us Grace” sabi ni Nathan sa kanya “Belle pursue me” sagot nya kaya napailing na lang ako at ngumiti. Hindi nagtagal dumating din sila Thunder at natahimik naman si Nathan kasi andito na si Trixie well lahat pala nawalan ng kibo at nagtitinginan lang kaming walo ngayon “Kanya kanyang sasakyan” sabi ni Thunder na syang bumasag sa katahimikan “If that’s the case iiwan ko na lang kotse ko” sabi ko sa kanila “Then ride with me” sabi ni Jd kaya tumango ako sa kanya at tiningnan ako ni Grace kaya ngumiti ako sa kanya at si Kate naman ganun din kay Trixie “So see you sa Laguna guys” sabi ko sa kanila at itinulak ko si Grace kay Max at si Kate naman itinulak si Trixie kay Nathan saka ako sumakay sa kotse ni Jd at ganon naman si Kate na sumakay sa kotse ni Thunder. Napailing samin si Jd “You’re pushing your friends so hard” sabi nya sakin “I just want them to be happy, saka deserve naman nila yon. Si Max at Grace kailangan nilang mag usap para mapagtanto nila sa isa’t isa na matagal na silang konektado samantalang si Trixie at Nathan naman they need to talk para maayos ang misunderstanding! I’m just helping my friends to be happy” sabi ko kay Jd kaya napailing sya ta ngumiti “You’re playing cupid” sabi nya sakin “And you will help me” sabi ko sa kanya at tumawa. “I can but you will grant one wish for me” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya “Kailangan talaga ng ganyan?” tanong ko sa kanya “Wala ng libre ngayon” sabi nya sakin “Fine” sabi ko sa kanya at ngumiti. Nag drive na sya papunta sa laguna at sinusundan lang nila kami. I hope na sa lakad namin na to maging maayos ang lahat at mas makilala pa namin ang isa’t isa kasi sa totoo lang ngayon ko lang ulit to naramdaman ang maging masaya kasama ng mga bagong tao sa buhay namin.