Araw ng Biyernes. Pang-limang araw na namin ni Zyrus dito sa bahay ni Chad. Inip na inip na ako. Wala naman akong ginagawa rito kung hindi magluto, maglinis at magdilig ng mga halaman niya. Si Annika ay minsan ko lang din naman nakakausap nang matagal sa phone dahil mas madalas na kausap niya iyung Tito niya na nasa Cebu, na siyang nagma-manage ng resort nila roon. Lakas-loob na nag-text ako kay Chad. Nagpapaalam ako na sasaglit muna kami ni Zyrus sa bahay namin. Kaka-send ko lang ng message ko nang bigla itong tumawag. ["Ano’ng meron? Bakit kayo pupunta dun?"] sabi nito sa seryosong tono. "W-Wala naman. Naiinip kasi ako dito. Saka... baka napapabayaan na ni Chris iyung bahay dun dahil busy siya sa trabaho at pag-aaral. Titingnan ko lang." Ilan