"Ayoko, Chad." "Pepper, please. Charity ball na sponsored ni Cloud Montecillo iyun. One of my major stockholders sa Samaniego's Resorts. Hindi pwedeng hindi tayo magpunta dun," paliwanag nito. "Ikaw lang ang pupunta, Chad. Hindi ako sasama," sagot ko. "But, Pepper...." "Go! Wala na tayong pag-uusapan pa. Magbihis ka na. Dito lang ako sa bahay mo.Don’t worry. Hindi kami aalis ni Zyrus. Madadtnan mo pa din kami pag-uwi mo," sabi ko dito, at saka nagmartsa na ako paakyat sa hagdan. "Pepper naman.... hindi ako pupunta doon na hindi ka kasama. Hindi ka maa-out of place. For sure, andun din si Annika. Invited din kasi si Klarence. And for the last time, Pepper. Bahay natin. Ilang beses ko bang uulitin sa iyo?" sabi nito, habang nakasunod sa li