Lyndel Charina POV.
Naalimpungatan ako dahil sa biglang may malakas na sigawan mula sa harapan.
“Wala nang preno!”
Nanlaki ang mga mata ko at sumikdo ang dibdib ko sa matinding takot.
Mabilis na humarurot ang bus pababa ng kalsada. Sunod-sunod ang sigawan ng mga tao. May umiiyak. May nagdarasal. May pilit na humahawak sa kung ano mang pwedeng kapitan.
Pakiramdam ko tumigil ang mundo.
Nanginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa upuan sa harapan ko. Ramdam ko ang bilis ng takbo ng bus at ang marahas na pagliko nito.
At ang lalaking katabi ko na humalik sa akin kanina lang, nakita kong tahimik lang siya
Hindi man lang siya sumisigaw. Hindi rin siya nagpapanic.
Pero aninag ko may dugo sa noo… siguro dahil tumama siya sa bakal na nasa tabi niya nang malakas na umalog ang bus.
At bago pa tuluyang mawalan ng kontrol ang sinasakyan namin… sa hindi malamang dahilan bigla akong kumilos.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.
Pero agad kong iniharang ang sarili ko sa kanya.
Mahigpit kong niyakap ang katawan niya at itinakip ang likod ko.
“At least... may maliligtas...” mahina kong bulong.
Pagkatapos ay lumingon ako sa labas ng bintana, at kasunod ay nakakabinging tunog ng pagbangga.
Isa lang ang naramdaman ko, may bagay na sumalpok sa aking mukha.
May mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko habang unti-unting nawawala ang ulirat ko.
At ang huling bagay na naramdaman ko… ang mga braso ng lalaking nasa katawan ko, mahigpit na nakayakap.
Paggising ko, nanatiling nakapikit ang aking mga mata.
Mabigat din ang ulo ko. Mahapdi ang buong katawan ko.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero kahit nakakaramdam ako ng kirot… bakit wala yatang ilaw?
Bakit ang dilim ng paligid?
Nanigas ako at biglang kinabahan.
“Mama...” mahina kong tawag.
Narinig ko agad ang malakas na paghikbi ng mama ko.
“Gising ka na, Lyndel...”
“Mama...” napalunok ako. “Nasan po ako, ba’t... bakit walang ilaw?”
Tahimik siya.
At sa katahimikan na ‘yon, unti-unti kong naalala ang mga nangyari.
“Mama...” nanginginig kong ulit. “Mama, bakit wala akong makita?”
Mas lalo siyang umiyak.
At maya-maya, bigla ko na lang narinig ang paputol-putol niyang boses.
“K-kasalanan mo ‘to.”
Parang may matalim na bagay na tumusok sa dibdib ko... teka bakit niya ako sinisisi?
“Mama...”
“Bakit kasi inuna mo pang iligtas ang lalaking hindi mo naman kilala?” galit niyang sabi habang umiiyak. “Tignan mo ang nangyari sa’yo! Nabulag ka!”
Hindi ako agad nakapagsalita. Ngunit dahan dahan kong tinaas ang aking mga kamay. Kinapa ko ang mukha ko at nababalot iyon ng tela.
Pakiramdam ko may mabigat na kamay na sumakal sa lalamunan ko.
“Mama... hindi ko po alam...” nanginginig kong sabi.
“Hindi mo alam?” halos mapasigaw siya. “Paano kung habambuhay ka nang ganiyan? Paano ka na? Paano ang buhay mo… paano ang pangarap nating dalawa?”
Napakagat ako sa labi ko.
Unti-unting bumuhos ang luha ko.
Hindi dahil sa sakit ng katawan ko.
Kundi dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko… pakiramdam ko wala na akong silbi.
At mas masakit doon… hindi ko man lang nakita o maalala ang mukha ng lalaking iniligtas ko.
Nakarinig ako ng yabag.
May dumating.
“Ms. Zanches, oras na ang mga gamot mo, pagkatapos nito ay makakaramdam ka ng antok kaya matulog ka. Wika ng boses babae, hindi ko alam kung doktor o nurse.
O-Opo, salamat.” mahina kong sagot.
Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam ako ng antok. Siguro dahil sa mga gamot na tinurok sa katawan ko.
Hindi ko alam kung nanaginip ako, ngunit may kamay na humawak sa akin.
“Miss, maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin. Aalis ako ng bansa, para doon magpagamot. Heto ang tanging bagay na iiwan ko sayo.” may pagmamadali ang boses niya.
Marami akong gustong sabihin o itanong ngunit hindi ako makasagot ngunit naramdaman kong may nilagay siya sa aking leeg.
“Pag magaling na ako, babalikan kita, at sa pagbabalik ko babawi ako sa lahat… pangako ko ‘yon. Kaya ingatan mo ang kwintas na ‘yan. Dahil iyan lang ang pagkakakilanlan mo… kapag nakita ko ‘yan sa leeg mo ibig sabihin ikaw ang babaeng nagligtas sa akin.”
“A-Anong pangalan mo?” tanong ko, 'yon lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.
“James Virgo… sige maiwan na kita at narito na ang sundo ko.”
Hindi ko na nagawang sumagot.
Ang gusto ko sana itanong kung anong apelyido niya. Tinaas ko na lang ang aking kamay at kinapa ang kwinta sa aking leeg. Ang pendat ay heart shape, at medyo malapad ang necklace.
Muli akong napaiyak… ipinasok ko sa aking damit ang kwintas bago muling nakatulog.
Nagising ako ngunit tahimik, wala na akong ibang naririnig kundi ang tuloy-tuloy na beep ng makina sa tabi ko.
Nananatili akong nakahiga.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. O kung araw na ba o gabi. Lahat pareho lang sa akin… itim. Walang kulay ang paligid kundi puro kadiliman.
Gusto kong umiyak pero parang ubos na rin ang natitirang lakas ko.
“Mama…” paos kong tawag.
Walang sagot.
“Mama…” mas mahina na ngayon.
Ngunit wala talaga si Mama.
Hanggang sa… may mga yabag na papalapit, dalawa o higit pa.
At nang magsalita ay parang pamilyar.
“Siguraduhin ninyong mailalabas siya agad.”
Natigilan ako.
Parang biglang sumikip ang dibdib ko.
Pamilyar talaga ang boses.
“Bilisan ang kilos!”
At sunod-sunod na nagsalimbayan ng mga boses.
“Hindi pwedeng magtagal pa siya dito. Ayusin n’yo... bilis.”
Nangatal ang katawan ko sa takot.
Kahit hindi ko sila nakikita, alam ko kung sino sila.
Ang pamilyang ipinalit sa amin ng papa ko.
Ang mga taong dahilan kung bakit kami ni Mama ay naghihirap.
Ang mga taong unti-unting sumira sa buhay naming dalawa.
“Hindi…” bulong ko.
Parang biglang bumalik ang galit na akala ko naubos na noon pa.
“Huwag…” nanginginig kong sabi, naghahalo ang takot at galit. “Mama… Mama!”
Sinubukan kong umupo pero parang biglang naging mabigat ang katawan ko.
“Nasaan si Mama ko?!” sigaw ko na, nangangatal na ang boses.
May tumawa nang mahina.
“Wala siya dito,” malamig na sagot ng isa. “Iniwan ka na niya.”
Parang may matalim na tumusok sa aking puso.
“Ano?” napasinghap ako. “Hindi… nandito siya kanina…”
“May sumundo sa kanya,” putol ng isa pang boses.
“Hindi ‘yon totoo!” sigaw ko. “Hindi niya ako iiwan… Mama!”
Pero bago pa ako makagalaw nang maayos… may naramdaman ako… gumalaw ang kama.
Hanggang umusad ito.
“Hindi! Tumigil kayo!” nagpupumiglas ako kahit hindi ko alam kung saan ako hahawak. “Mama! Mama nasaan ka?!” pagsusumamo ko.
Walang sumasagot.
Tanging tunog ng gulong ng hospital bed na mabilis na itinutulak.
Kasabay noo’y bumibilis din ang t***k ng puso ko.
“Pakawalan n’yo ako!” umiiyak na ako ngayon. “Ano bang gagawin n’yo sa’kin?!”
Pero imbes na may sumagot… mas lalo lang bumilis ang paggalaw ng kama.
Nararamdaman ko na nag kawalang pag-asa.
Dama ko rin ang pagpasok sa ibang hallway.
At unti-unting pagtama sa balat ko ng malamig na hangin.
Ibig sabihin nasa labas na ako ng ospital?
“Ma…” bulong ko na lang, halos hindi na lumalabas ang boses ko.
At sa gitna ng kadilimang hindi ko na kayang labanan… naramdaman ko na lang ang sarili kong binuhat at nilipat ng ibang kama.
Hanggang naramdaman kong umusad ang sasakyan, tuluyang naglaho ang pag-asa ko.
Hindi ko na alam kung ilang beses lumiko ang sasakyan, ilang kalsada ang dinaanan, o kung ilang oras na ang lumipas.
Sa una, sinusubukan kong bilangin ang bawat biglang preno, ang bahagyang lubak, ang tuloy-tuloy na andar sa mahabang kalsada.
Pero kalaunan, sumuko na rin ako.
Lahat ng tunog naging iisa na lang.
Ingay ng makina, tunog ng gulong at ang katahimikan sa loob ng sasakyan, hindi ko alam kung ilan ang kasama ko.
Nakahiga ako sa hindi komportableng posisyon, nakahawak sa kumot na nakabalot sa katawan ko kahit hindi ko naman ramdam ang lamig. At ang tanging nararamdaman ko ay kawalang pag-asa.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit inilabas nila ako ng ospital.
Hindi ko rin alam kung saan nila ako dadalhin.
Pero sa bawat minutong lumilipas, mas lumalaki ang takot sa dibdib ko.
“Simula na ba ‘to?” mahina kong bulong sa sarili ko… nang kalbaryo?
Muli akong napaiyak… si Mama… iniisip ko siya. Kung nasaan siya ngayon… kung umiiyak din ba siya.
O kasalukuyan niya akong hinahanap habang wala siyang alam kung saan ako dinala.
“Ma…” halos pabulong na lang ang pagtawag ko sa kanya... ang sakit ng dibdib ko. Paano kung totoong iniwan na ako ni Mama, paano na ako ngayon?
Napakagat ako ng mariin para pigilan ang panginginig ng bibig ko, pero hindi ko nagawa. Kaya tinakpan ko na lang iyon gamit ang dalawa kong palad.
Saan ba talaga nila ako dadalhin.... o baka naman itatapon sa malayong lugar?
-
Hindi ko alam kung gaano na katagal ang biyahe.
Pero habang tumatagal… mas lalo kong nararamdaman ang takot at kawalang pag-asa.
Walang isa man ang nagsasalita sa loob ng sasakyan.
Paminsan-minsan may bulungan ngunit hindi ko maintindihan.
May mga naririnig akong tunog ng cellphone.
At amoy din ng sigarilyo ang hangin na nalalanghap ko.
Kahit wala naman akong makita napapikit ako nang mariin. Muling umagos ang aking luha… sobrang sakit ng nangyaring ito sa buhay ko. Tao lang ako at nakakaramdam ng pagsisisi kung bakit inuna ko pa ang ibang tao kaya sinapit ko ang ganitong buhay.
Lahat ng pangarap ko at ng aking ina para sa akin ay parang bula na naglaho. Ang pilit ko na lang ipinapasok sa aking isipan… baka may ibang gusto ang Diyos para sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito.
Nanatili akong nakapikit, gusto kong matulog ngunit hindi ko maramdaman na inaantok ako. Ang aking isipan ay okupado sa kasalukuyang sitwasyon ko.
Maraming katanungan sa aking isipan, bakit nila ito nagawa sa akin?
Saan nila ako dadalhin… papatayin at itatapon sa malayong lugar?
Kumirot ang ulo ko.
Ang katawan ko ay namamanhid.
At higit sa lahat… ang puso ko.
“Mama…” mahinang bulong ko kahit alam ko hindi niya na ako kailanman maririnig.
Hindi na rin mabiling sa mga daliri ko kung ilang beses kong tinawag ang aking mama.
Pero bawat tawag ko… mas lalo lang napupuno ang dibdib ko ng sakit.
Hanggang hindi ko na namamalayan ang oras… naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan… pagkatapos ay huminto.
Biglang bumilis ang tib*k ng puso ko. Lalo ng bumukas ang pinto at marinig ang sinabi ng isang lalaki…
“Buhatin n’yo na bilis.”
Nanigas ang katawan ko at nangatal ang aking katawan sa matinding takot.
“H-Huwag…” nanginginig kong sabi habang pilit umaatras sa higaan. “Please… huwag…”
Pero naputol ang pagmamakaawa ko ng may humawak sa akin.
Mahigpit. Sobrang gigpit. At sa paraan ng pagdadala niya sa katawan ko parang wala akong timbang.
Naramdaman ko malamig ang hangin.
At may kakaibang amoy.
Amoy ng basang lupa, damo at… dagat?
“O-Open your eyes…” natatawa pang sabi ng isa.
Ngunit bigla din tumahimik.
“Ah tama nga pala… bulag na pala ‘to.”
Narinig kong nagtawanan sila.
Napakapit ako sa tela na nasa katawan ko habang nanginginig sa takot.
“Pakiusap…” umiiyak kong sabi. “Wala akong ginagawang masama sa inyo…”
“Tumahimik ka.” singhal ng lalaki.
Hindi nagtagal naramdaman kong muli akong inihiga. Ngunit hindi na sa hospital bed.
Matigas ang kama.
Maya maya may narinig akong pagbukas ng bakal na pinto. Kasunod no’n ang maingay na paglangitngit nito.
Napuno ng takot ang puso ko ng marinig ang sinabi ng lalaki.
“Dito na ‘yan mananatili hanggang pumanaw.”
“Sigurado ba kayo na walang nakakaalam na kahit sino?”
“Wala, at hindi na ‘yan mahahanap pa ng kahit sino.”
Muli akong napaiyak… iyak na wala ng tunog. Hinayaan kong dumaloy ang luha ko sa magkabilang pisngi.
“Mama…” hikbi ko. “Mama… natatakot ako…”
Pero gaya ng dati… walang sumagot.
Narinig ko na lang mga yabag na palayo.
Hanggang… malakas na pagsara ng bakal na pinto.
Kasunod ay mahabang katahimikan.
Nanatili akong nakahiga at kahit pilitin kong bumangon wala rin naman akong nakikita.
Sa puntong ‘yon, nagsimula akong sisihin ang Diyos, bakit niya pa ako binigyan ng buhay kong ipaparanas niya sa akin ang ganitong sitwasyon.
Paano ako mabubuhay sa araw-araw kung nakakulong at walang nakikita? Sana doon pa lang sa loob ng bus ay pinatay na lang Niya ako.
Ilang oras pa ang lumipas, nakaramdam ako ng antok, marahil dahil sa sobrang pagod mula sa mahabang biyahe at sa sobrang pag-iyak.
Hanggang tuluyang nakatulog.
Nang magising ako ay maingat akong bumangon, kinapa ko ang gilid ko. Saka humawak doon ng mahigpit at tumayo. Dahan dahan akong naglakad, ngunit nakakailang hakbang pa lamang ay mumangga ako sa bakal.
Kinapa ko iyon, tama pala ang nasa isipan ko kanina ng ipasok nila ako dito. Narito ako sa loob ng rehas na bakal, walang chance makalabas.
Unti-unting nanghina ang aking mga tuhod hanggang napaupo ako sa malamig na sahig.
Napalingon ako sa pinaggagalingan ng ingay.
May dumating, at habang lumalapit siya ay familiar ang kanyang boses.
Ang stepsister ko, sigurado akong boses niya iyon.
“Well, dito ka pala nababagay, tama lang ang sinapit mo ng tuluyan ka ng mawala sa landas namin ni Mama.”
“Bakit mo ito ginagawa sa akin, hindi ko naman kayo ginugulo. Nasa inyo na si Papa, kaya bakit ayaw mo akong tantanan?”
Tumawa siya ng malakas, bago malakas na hinawakan ang aking baba at hinila pataas.
“Simula ngayon dadanasin mo ang hirap, at simula din ngayon, hinding hindi mo na makikita ang iyong ina. At sisiguraduhin kong dito na matatapos ang buhay mo!”
“No, p-please, maawa ka sa akin…”
“Shut up!” singhal ni Radah bago hiniklas ang suot kong kwintas.
“Ibalik mo sa akin ‘yan, pakiusap, iyan na lang ang meron ako.”
“Wala nang silbi ang kwintas na ito kaya ibebenta ko na lang ng magkapera pa ako. Mukhang may value naman ito kahit konti.”
“Akina ang kwintas ko, ibalik mo sabi sa akin eh!” sigaw ko saka tinangkang agawin ngunit dahil wala akong paningin ay natumba ako sa sahig.
“Ginagalit mo talaga ako?” malakas niyang sigaw.
At naramdaman ko na lang ang pananakit niya sa akin.
“Patayin na ninyo ang babaeng ‘yan!”
“Kami na ang bahala sa kanya, my love, basta ba lahat ng gusto ko ibibigay mo.” wika ng isang lalaki.
“Oo naman, total napapaligaya mo rin naman ako sa kama, aalis na ako.”
Tumahimik ang paligid, wala na akong isa mang boses na narinig. Tanging pagsara ng bakal ang ingay na narinig ko.
=
One year later…
Nang magising ako ay kinapa ko agad ang higaan. Kahit paano nasanay na ako sa silid na kinaroroonan ko…
Wait, bakit malambot ang kama, at parang walang mabahong amoy? Nasaan ba ako at paano nangyari na buhay pa ako?
Napalingon ako ng marinig kong may naglalakad palapit sa akin.
“Mabuti at gising ka na pala.”
“M-Mama, ikaw ba ‘yan?”
“Bakit may iba ka pa bang inaasahan?”
“Wala po,” naguguluhan kong sagot. Paano kaya ako nakatakas sa rehas na ‘yon?
“Umm… Mama, paano po ako nakalabas doon sa rehas?”
“Anong rehas ang sinasabi mo?”
Kumunot ang aking noo sa sagot ni Mama.
“Ang ibig kong sabihin, paano mo po ako nahanap?”
“May tumawag sa akin, ang sabi nasa public hospital ka raw. Kaya pinuntahan kita, ngunit comatose ka. Ang sabi ng mga doktor, nasagasaan ka raw ng sasakyan.”
Iyon pala ang alam ni Mama… huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. “Gaano na po ako katagal na comatose?”
“Halos isang taon…”
“Isang taon?” gulat na gulat kong tanong.
“Tatlong buwan ka sa ospital, at nang stable na ang heartbeat mo, pinayagan ka nilang iuwi ko dito sa bahay. Nubos na kasi ang pera na pampagamot natin.”
“Sandali po, saan ka pala kumuha ng pera? Kasi kahit public hospital ang malaki pa rin ang gastos sa mga gamot.”
“Yung bag mo, nakita ko may ATM card doon at pincode, kaya sinubukan kong tingnan at may laman na dalawang milyon. Kaya iyon ang ginagastos ko hanggang ngayon.”
“Mama, hindi po sa akin ang pera na ‘yon bakit mo pinakialaman?”
“At kung hindi ko ‘yon ginamit sa tingin mo ba buhay ka pa ngayon?” singhal ni Mama sa akin.
Natahimik ako.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, galit, pagkalito o awa para sa sarili ko?
Napayuko ako habang mahigpit na nakakuyom ang kamay.
Tama si Mama… kung hindi niya ginamit ang perang iyon, baka matagal na akong patay.
Pero hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang kaba.
Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo.
At sunod-sunod na imahe ang pumasok sa isip ko.
Rehas na bakal, mga boses ng lalaki at si Radah ang step sister ko. Kinuha niya ang kwintas ko. Pagkatapos inutos niya na patayin ako.
“Ahh…” napahawak ako sa ulo ko.
“Hoy! Anong nangyayari sa’yo?” gulat na tanong ni Mama.
“M-Mama…” hinihingal kong sabi habang nanginginig. “May… may gusto akong itanong…”
“Ano na naman?”
“Sa loob po ba ng isang taon…” napalunok ako. “May lalaking naghahanap sa akin?”
Napakagat ako sa labi ko habang naghihintay ng sagot.
Hanggang sa marinig ko ang kanyang sagot na tila napipilitan.
“W-Wala.”
Parang may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib ko.
Wala… kahit isa?
Ni hindi man lang niya sinubukang hanapin ako?
Muli akong napaiyak nang tahimik.