Ella's POV “You look really great, hija. The gown is perfect!” Masayang bati ng Lola niya. Sinilip siya nito sa loob ng bridal room ng San Miguel Church. Hawak ng Lola niya ang kamay niya, nanginginig sa tuwa. Today is her wedding day. Her second wedding with the man she truly loves. Her Mr. Everything. Sa San Miguel Church gaganapin ang malaking kasalan sa bayan nila. Hindi tulad ng unang kasal nila ng asawa sa VincElla Hotel garden. Ngayon, sa mismong simbahan ng San Miguel siya ihaharap ni Vincent. Lahat naman ng babae pinapangarap na makasal sa simbahan sa lalaking mahal nila. At masasabi niyang nakuha niya ang pinapangarap ng lahat. Tumingin siya sa salamin. Huminga siya nang malalim. Ang gown. White. Off-shoulder sweetheart neckline na bumagay sa balikat niya. Burdado n

