Vincent’s POV “Ella?! What’s wrong?” Gulat na tanong niya. Bigla siyang itinulak ng asawa, halos mapaatras siya. Pero alam niya, nagugustuhan naman nito ang ginagawa nila kanina. Humihingal pa siya. Magulo ang buhok, nakabukas ang tatlong butones ng polo. Tiningnan niya ang asawa na nakatitig sa teleponong hawak nito. Nakakuyom ang isang kamay nito sa gilid ng desk, nanginginig. Sa mga mata nito, may gulat at luha na nagbabadyang tumulo. Pinaglandas niya ang tingin sa halos hubad na katawan ng asawa. Nakaangat ang skirt nito sa hita, nakabukas ang blouse. Kaakit-akit pa rin ito, kahit galit. Napalunok siya. “Ano ‘yan?” tanong niya, pilit iniiwas ang tingin sa magandang katawan nito. Kinagat niya ang loob ng pisngi para magpokus. Tiningnan niya kung ano ang nasa screen ng cellph

