"Vincent!" Si Nate ang unang bumasag sa katahimikan nilang tatlo. Nang saktong makalapit si Vincent paalis na ang mga Fan Girls ni Nate. "Hey! Nate" Pormal na bati ni Vincent kay Nate. At nulyapan sya. Habang halos pangapusan na sya ng hininga sa kaba't takot sa asawa. "Doing good" Walang ngiting sagot ni Nate. Tumango lang si Vincent. At hinila ang kamay nya na nasa mesa. Napapitlag sya. "Alam kong na miss mo ang kapatid mo. Pero kailangan nanaming umalis" Polite na sabi ni Vincent. Pero halata sa galaw ng panga nito ang galit. "Ah.. sure, sure" Sagot ni Nate. At sinulyapan sya. Alanganin syang tumango rito. "Let's go!" Bulong ng asawa sa kanya, sabay pisil sa kamay nya. Para hindi na mag protesta pa. Tahimik syang tumayo, at gpaalam na sa kapatid. "I'll see you tomorrow, bye" Paal

