Chapter sixty eight FHAIDA’S POV’S Nasa police station ako ngayon dahil pinatawag nila ako dito tungkol sa kaso ng pagsunog sa kainan ko. Yung witness pala ay yung tagabantay doon sa kabilang kainan. Mabuti na lang mabait sila doon at sinabi kung ano ang nakita nila kaya agad nilang nadakip yung nagsunog. May lalaki ngayon ang nakaposas, nakayuko siya at hindi makatingin sa akin ng diretso, mukhang siya ang suspek na tinutukoy nila. “ Pinaamin na namin siya, ang sabi niya ay napag utusan lang siya.” Sabi ng pulis sa akin. “ Sino ang nag utos sa kanya?” “ Jovie ang sinabi niyang pangalan.” “ Jovie? Wala naman akong kakilalang Jovie, kahit noong bata ako ay wala akong matandaang Jovie na kaibigan ko o kaaway.” “ Inaalam pa namin sa kanya kung sino yung Jovie kaso ayaw na magsalita.”