Chapter ninety two FHAIDA’S POV’S Halos idlip lang ang nagawa ko, antok na antok pa ako ngayon, gusto kong makatulog ng sapat kaso wala akong mahigaan dito. Nakaupo at nasandal lang ako habang natutulog, malamok din kaya hindi ako makatulog ng deretso. Alasingko na ng umaga ng pinilit kong magising na lang, baka sakaling may balita na sa mga nangyayari, hinihintay ko si Lance na dumating dito. Alam kong siya ang unang bibisita sa akin ngayon. Mga alas syete na ng magpapasok sila ng bisita, kaso akala ko si Lance ang una kong makikita pero si Jake pala. “ Bakit ka nandito?” tanong ko. “ Kumain ka na ba?” “ Anong ginagawa mo dito?” “ Malaya ka na.” “ Ha? Paanong nangyari yun?” “ Inatras nung dalawa yung kaso, malinis na rin ang pangalan ng restaurant, ibang pagkain pala ang dahil