Chapter one hundred twenty five LANCE POV’S Simula ng nalasing ako ng araw na yun nag iba na ang takbo ng buhay ko. Shit talaga! Wala akong matandaan sa mga nangyari ng gabing yun, imposible talaga na may naikama akong ibang babae? May natatandaan naman ako noon tuwing nalalasing ako pero itong pangyayari lang talaga na ito ang wala akong maalala, napunta ako sa isang hotel na walang kaalam alam? Ako ang nagpupunta at nag aaya sa mga babae dati pero bakit ako yung dinala sa hotel? Pumunta ulit ako sa bar upang magtanong tungkol sa nangyari sa akin, kilala nila ako kaya alam kong may alam sila kung paano ako nakaalis sa lugar nila. “ Sir Lance akala namin girlfriend mo yung umalalay sayo na babae.” “ What? May kasama akong babae?’ “ Yes po, ang sabi siya na daw po bahala sayo, mukh

