Chapter one hundred sixty one FHAIDA’S POV’S Kausap ni Lance ngayon yung kakilala nung Josh, ang sabi sa kanya ay paalis na daw ito at pauwi ng probinsya nila. Ang probinsya ni Josh, mas malayo pa sa probinsya namin, napapunta ako dito sa hotel kung nasaan si Lance dahil sa sinabi niya, nag alala kase ako ng pumunta si Lance sa resto dahil may biglang tumawag sa kanya at gustong makipagkita dito sa hotel niya, yun pala kakilala nung Josh na nahanap ng secretary niya kaya sumama na rin ako dito. “ Reserve mo ko ng ticket papunta doon.” “ Yes sir.” Sagot ng secretary ni Lance. “ Dalawang ticket.” Isasama niya ako, hindi rin naman ako mapakali kung maiiwan ako dito, gusto ko rin makausap yung Josh. Naiwan na lang kami ni Lance dito sa opisina niya, hindi na ako papasok, naghalf day na