Chapter one hundred thirty two FHAIDA’S POV’S Kagaya nga ng napagdesisyunan namin ni Lance ay mananatili pa rin si Jake sa restaurant, kailangan niyang mag ipon muna bago siya umalis, kailangan ko rin sabihin yun sa kanya. Ngayon ang araw na babalik na siya sa trabaho, maayos naman na ang kanyang lagay. Pinacheck up namin siya ulit bago namin siya pinabalik sa trabaho. “ Kamusta na Elmer? Mabuti ayos ka lang.” sinalubong agad siya ng mga tauhan namin na nag aalala sa kanya. “ Mabuti na po ang lagay ko.” “ Wala ka namang natamong matinding galos, mabuti na lang nakabalik ka agad.” “ Oo nga po.” Nakikinig lang ako sa usapan nila, halata naman na nag aalala sila kay Jake kahit na niloloko lang sila nito, nagpanggap pa siyang Elmer para makapasok dito. “ Oh mag ingat ka na sa susunod