Chapter fifty six LANCE POV’S Pasikreto akong pumunta sa hotel para alamin ang background ni Jake, hindi ako nagsabi kay ate na nandito ako ngayon. Iniwan ko muna kay Fhaida ang restaurant ko, malaki naman ang tiwala ko sa kanya. Sa ngayon kailangan ko munang pagbatiin si dady at ate pero gusto ko talaga malaman ang tungkol diyan kay Jake. Kung hindi pa sinabi sa akin ni daddy na si ate ang sumusuporta kay Jake sa pagtira dito sa hotel ay hindi ko pa malalaman ang tungkol doon. Kalalaking tao nakaasa sa babae? Tsk, ano bang klase yun? Wala ba siyang bahay kaya dito siya tumitira sa hotel? Tapos ang ate ko pa ang nagbabayad ng expenses niya? Akala ko kase okay ang relasyon nila pero parang aggrabyado ang ate ko dahil parang siya ang namumuhunan sa relasyon nila. Kakaiba talaga ang