Chapter ninety six FHAIDA’S POV’S Nag iisip ako kung anong ireregalo sa birthday ni Lance, tinanong ko kay chief Marco kung anong araw yun sa martes na pala. Wala akong maisip na ibigay. Mas mayaman siya sa akin kaya nabibili na niya kung anong gusto niya. “ Ate Fhai, lutuan mo na lang kaya si kuya Lance?” “ Mas okay kung memorable yung ibibigay mo ate Fhai, kung pagkain mauubos din lang yun.” “ Sarili mo na lang iregalo mo hahaha.” Mas nalilito ako sa dalawa kong kasama dahil kung ano anong pinagsasabi, pagkain nga sana ang ireregalo ko kaso sabi naman nila memorable daw. Ano ba talaga, ang dami ng tulong ni Lance sa akin kaya kailangan maayos naman yung ibibigay ko sa kanya. Nasa food court kami nila Ella at Karen, kumakain ng kwek kwek dahil matagal na kaming hindi nakakakain n