Chapter one hundred forty four LANCE POV’S Napakakulit talaga ni Steffy, panakot niya yung bata tuwing tatanggihan ko siya, wala naman daw siyang pakealam sa baby kaya okay lang kahit mawala ito. Anong klaseng ina to? Tao ba siya? Ginawa niyang pangblackmail ng anak niya para mapasunod ako? Hindi na maganda itong nangyayari dahil ginagamit na lang niya yung bata. Nakipagkita ako sa kanya dahil gusto ko siyang pagalitan at pagsabihan, hindi laruan ang nasa tiyan niya, buhay din yun tapos binabalewala lang niya? parang hindi niya anak ah, nakadikit sa kanya ang baby, buti kung sa tiyan ko nakalagay yan ayos pa. Kaso saan ko ilalabas yun kung ako nabuntis. Hays, naiinis na ako, papunta ako ngayon sa harap ng bahay nila, gusto niyang samahan ko nanaman siya pero ayaw niyang sabihin kun