Chapter one hundred forty two LANCE POV’S Ayokong makipag away sa babae kaya nanahimik lang ako habang nasa sasakyan, nagfocus ako sa pagmamaneho para hindi ko maparinggan ang mga pinagsasabi ni Steffy tungkol sa pinagbubuntis niya. Alam ko namang iba ang ugali at mood ng babae kapag buntis, kanino ba talagang anak ito at ako ang pinapaako? Ako lang ba ang nakagalaw sa kanya? Ang natatandaan kong huling s*x namin ni Steffy ay nasa America pa ako, matagal na yun at kung nabuntis ko siya noon malamang bugok na yung nasa tiyan niya. Medyo malapit lang sa restaurant ko itong ospital na pinagdalhan ko sa kanya, dito daw OB niya kaya dito kami pumunta. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami malapit sa opisina ng OB niya kaso napakaraming buntis kaya kailangan pumila, may num