Chapter one hundred fifty two LANCE POV’S Agad akong pumunta sa restaurant para makita si Fhaida kaso ang sab isa akin nila Ella at Karen ay nagfile siya ng leave. Tinanong ko rin yung dalawang kaibigan niya na malapit sa kanya kung may alam sila kung nasaan siya, nasa bahay pala nila Ella si Fhaida at pinapaabot niya sa akin na maayos ang lagay niya doon. Kahit sabihin niya yun ay hindi pa rin ako makampante kase, hindi pa siya bumabalik sa akin at ayaw pa niya akong makausap. Nagstay ako sa resto ko dahil wala si Fhaida, wala namang nakakaalam ng sitwasyon namin kay Fhaida maliban sa mga malalapit sa kanya at sa ex husband niyang si Jake. Hindi ko pa siya mapaalis sa ngayon lalo at hindi pa kami nag kakaayos ni Fhaida, kailangan ko rin ng opinion niya tungkol kay Jake. Kahit pala