Chapter one hundred thirty five AVIANA’S POV’S Ngayong alam ko na kung saan nagtatrabaho si Jake, sinadya kong pumunta sa restaurant ni Lance para makita siya. Alam ko naman na hindi nila sasabihin sa akin kahit alam na nila kung nasaan si Jake kaya ako na lang mismo ang gagawa ng paraan para magkita kami. Namimiss ko na talaga siya, kahit higit isang linggo na ang nakakalipas ng magkahiwalay kami, hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Pagdating ko sa restaurant ni Lance ay hinanap ko agad si Jake kaso mukhang wala naman ata siya ngayon dito. Ang kapatid ko at si Fhaida ang nakikita ko ngayon na naglalambingan, tsk. Wala naman silang pakealam kahit nandito ako, hindi nila ako pinapansin. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar pero wala talaga si Jake, yung isang delivery boy lang a