Chapter eighty six FHAIDA’S POV’S Hindi talaga ako nilubayan ni Jake hanggang sa grocery, bibili lang naman ako ng ingredients na kulang dahil wala pa yung delivery ng mga stock namin. “ Jake, kung may sasabihin ka sabihin mo na agad sa akin.” “ Maraming tao dito.” “ Ano ba kaseng pag uusapan natin?” “ Si Lance.” Mukhang naging apektado siya sa nalaman niya sa amin ni Lance. “ Pati si Ava.” Nacurious ako sa sasabihin niya dahil mukhang gusto niyang pag usapan ang relasyon namin ni Lance, ang galing nga ng pagkakataon dahil kung kailan binalak ni Jake na makipagbalikan sa akin tsaka naman sinabi ni Lance na may relasyon kami. Hinintay niya ako hanggang sa matapos kong mabayaran lahat ng binili ko. Hindi kami pwedeng mag usap sa restaurant dahil baka kung anong sabihin ng mga katrab