Chapter one hundred thirty seven JAKE’S POV’S Nahihilo na ako sa kalasingan pero kaya ko pa naman gumalaw ng maayos, hindi na siguro ako sanay uminom lalo pa at matagal na akong hindi pumupunta dito. Kahit papaano, nagkaroon ako ng oras para sa sarili ko, mas okay na rin ito kesa magkulong sa kwarto at mag isip ng kung anoa no. Hindi ko masyadong makita yung oras, parang alas onse na ata ng gabi, pwede na akong umuwi nito. Tumayo ako kaso umupo rin akong muli dahil umiikot yung paningin ko, hindi pa naman ako yung lasing na lasing na, basta mahirap ipaliwanag, ang alam ko lang ay nahihilo ako at kailangan ko na umuwi. Inulit kong tumayo, pero hindi pa ako naglalakad, pinapakiramdaman ko lang ang sarili ko kung mahihilo pa rin ako. Humakbang ako paunti unti at muntik na akong mapaup